Pagbabasa ng isip ng ibang tao, posible ba talaga ito? Siguradong magiging kakaiba ang Saturday nights sa bagong palabas ng GMA, ang
Mind Master. Ito ay mag-uumpisa sa Abril 30, kapalit ng
Man vs. Beast. Tampok sa palabas na ito ang kapangyarihan ng isip na ipapamalas ni Nomer Lasala, isa sa leading mentalists ng bansa. Kasama ang isang special celebrity host linggu-linggo, tatalakayin niya ang ibaât ibang isyu, sitwasyon at katanungan gamit ang mentalism. Sa unang episode, magpapakitang-gilas agad si Nomer dahil ipakikilala niya ang konsepto ng mentalism sa isang open mic show sa Baluarte de San Diego Gardens, Intramuros. Mapapamangha niya ang mga manonood sa suspenseful at mysterious mentalism acts na gagawin niya kasama ang individual at group participants mula sa audience. Isa sa mga highlights ng episode na ito ay ang pagbasa at pagsiwalat ni Nomer sa iniisip ng celebrities. Susubukan din niyang itigil ang kanyang pulso, isalin ang kanyang iniisip sa special host na si Ogie Alcasid at i-predict ang sagot sa mga tanong ng ibaât ibang participants. Lahat ng ito ay patikim lamang sa mentalism at sa kapangyarihan ng isip. Asahang marami pang fascinating acts sa apat na kahihindik-hindik na episodes ng
Mind Master na eere tuwing Sabado nang gabi. Ang
Mind Master ay mag-uumpisa sa Abril 30, pagkatapos ng
24 Oras Weekend sa GMA 7. â
iGMA.tv