ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Tween stars Bea and Jake, magbabalik sa Live Chat


Due to insistent public demand, nagbabalik ang record holders ng iGMA Live Chat! na sina Bea Binene and Jake Vargas, para muling maka-bonding ang kanilang mga online followers.

Excited ang dalawang Tween stars nang makausap ng iGMA.tv sa pictorial ng kanilang movie, ang Tweens: Class of 2012. Bukod sa panibagong adventure na naman ng Tween Hearts barkada ang mapapanood ng kanilang mga fans, tiniyak nina Bea at Jake na maraming bago at dapat abangan sa kanilang up-coming movie. “Sobrang marami silang maabangan dito. Siyempre iba-iba ang mga characters namin, iba-iba kasi kami. Siyempre, masisiyahan sila talaga dito kasi hindi lang ito love story. Meron ding about family, at saka sa school, kaya abangan nila 'yan, abangan ng mga fans," kuwento ni Jake. Ano naman ang pakiramdam ni Bea sa kanilang movie? “I’m excited but at the same time I’m nervous. Kasi first time pa lang ako mapapanood ng mga tao...sa big screen. Siyempre kinakabahan din kami kasi 'di namin gaanong sure kung ilan ang makakapunta at makakanood. Kung okay ba, bebenta ba ‘to. Pero ayun super excited pa rin. Super excited and happy and thankful sa GMA," sabi naman ni Bea. Kaya naman sa kanilang pagbabalik nila sa iGMA Live Chat, tiyak na maraming bagong kuwento ang dalawa about their movie at sa kanilang mga shows, ang Tween Hearts and Captain Barbell. Just log on to www.igma.tv/livechat from 2pm to 4pm to join this exclusive event. “Sa mga chatters po, nandito na naman kami ni Bea kaya abangan niyo kami. Chat-chat ulit tayo. Sana ma-break namin yung record naming," paanyaya ni Jake. “Basta excited na ako ulit! Mag-chat tayo sa May 26, 2pm to 4pm, siyempre sa iGMA.tv, magkikita-kita po tayo diyan!" - Loretta G. Ramirez, iGMA.tv