Puro papuri ang mga salitang binitiwan ni JC Tiuisecopara sa kanyang co-star at lead actress ng Sisid na si Jackie Rice.
Very sexy ang mga scenes ng afternoon drama na
Sisid, and JC is no stranger to showing his well-defined body. Ngunit gaano nga ba ka-sexy ang aabangan ng mga manonood sa
Sisid? âHanggang sa puwede siguro, pang-afternoon soap," says JC. "Maikling shorts, tapos siyempre, yung mga scenes namin sa island most of the time, [so] topless or puro cropped-up shirts." Nagkaroon ba ng kompetisyon si JC sa pagiging daring with his fellow leading men na sina Dominic Roco at Ian Batherson? âHindi naman, kasi like si Ian, wala siyang scene sa island, kasi yung role niya, mayaman so dito sila sa Manila," he says. Speaking of being daring, ano naman ang masasabi niya sa bida ng Sisid na si Jackie Rice at ang kanilang unang team-up sa isang soap? âSi Jackie, sobrang daling katrabaho, sobrang bait, tapos kahit ngayon nga may injury siya, ginagawa pa rin niya 'yung mga [scenes], kahit na bawal mabasa yung paa niya, nira-wrap lang nila ng cling wrap na plastic para hindi mabasa," kuwento ni JC. Ayon din kay JC, hindi pahuhuli si Jackie sa pagpapa-sexy dito sa kanilang show. âDun sa trailer pa lang, makikita niyo na kung gaano kanipis yung dress niya, so may pagka-sexy nga talaga." Hinangaan din ni JC ang determinasyon ni Jackie to prepare fo her role. Bilib siya sa aktres dahil mula sa pagiging takot na lumangoy ay magaling na itong sumisid ngayon. âDito sa
Sisid, siya yung pinakamagandang babae sa island tapos siya yung pinakamagaling na maninisid na babae sa island so ayun. From scratch, âdi ba, siya na ngayon yung pinaka magaling na sumisid sa island," ang nakangiting pagtatapos ni JC. If you want to know more about the preparations for
Sisid, mag-log on na sa iGMA.tv ngayong June 10, 2011, Friday from 2 P.M. to 4 P.M. para sa iGMA
Live Chat! Live na live niyong makakasama sina Jackie, JC at Dominic kaya naman prepare your questions and makipag-chat na. You can go to www.igma.tv/livechat for more details on this exclusive event. Patuloy na manood ng
Sisid tuwing hapon dito lamang sa GMA Dramarama sa Hapon. -
Karen de Castro, iGMA.tv