Makakasama ng ultimate Pinoy boxing idol na si Manny Pacquiao ang mga American Idol Season 10 finalists sa Manny Many Prizes ngayong Sabado, September 17.
Nakatakdang mag-perform ng live sa
MMP ang Filipina-American na si Thia Megia kasama ang ilan pang produckto ng sikat na reality singing search na kinabibilangan ng magandang si Pia Toscano, ang gwapong balladeer na si Stefano Langone, at ang Season 10 winner na si Scotty McCreery. Bago ang kanilang 'American Idol Live Tour in Manila' na gaganapin sa Martes at Miyerkules, magbibigay muna ng patikim ng apat na idol finalists para sa kanilang mga Pinoy fans. Samantala, patuloy sa pamimigay ng maagang pamasko ang
Manny Many Prizes! At hindi lang studio players ang may pagkakataong manalo kundi maging ang mga manonood sa kani-kanilang tahanan ay may pagkakataong mahandugan ng balato ni Ninong Manny. Makikisaya rin sa show ngayong Sabado ang mga young diva na sina Kyla at Rachelle Ann Go. Lahat ng iyan at marami pang iba ang dapat tutukan sa
Manny Many Prizes ngayong Sabado pagkatapos ng
24 Oras Weekend sa GMA-7. --
iGMA.TV