âEither I'm the most gullible person on the planet (very possible), OR Manila has the coolest buses I've ever seen!" Post ito ng Twilight Saga star na si Nikki Reed sa kanyang Twitter account tungkol sa nakita niyang jeepney sa Manila na kinunan pa niya ng picture.
Nasa Pilipinas si Nikki (gumanap sa papel bilang Rosalie Hale sa
Twilight Saga) para suportahan ang kanyang nobyo na si Paul McDonald na kasama sa mga finalist ng
American Idol na magko-concert sa Smart-Araneta coliseum sa Sept 20-21. Ikinatuwa naman ng mga Pinoy fans ni Nikki ang pag-post niya ng litrato ng passenger jeepney, kasabay ng pagtutuwid na hindi bus kundi jeepney ang kanyang nakita. Bago pa man siya makarating sa Pilipinas kasama ang mga AI finalists, nag-tweet din si Nikki para sabihin kung gaano siya ka-excited na makarating sa Pilipinas. âPacking for Manila now...headed to the Philippines for the last two @americanidol shows! I've never been! This is exciting!" anang singer-actress. Bukod kay Paul, kasamang magtatanghal sa Smart-Araneta ang Fil-Am na si Thia Megia, at sina Pia Toscano, Casey Abrams, Haley Reinhart, Jacob Lusk, James Durbin, Lauren Alaina, Naima Adedapo, Stefano Langone, at Season 10 winner na si Scotty McCreery. â
FRJimenez, GMA News