ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sid Lucero, inaabangan ang panganganak ni Andi Eigenmann


Excited na si Sid Lucero sa nalalapit na panganganak ng kanyang half-sister na si Andi Eigenmann. Ayon kay Sid, buo ang kanyang suporta kay Andi sa kabila ng patuloy na pagtanggi ni Albie Casiño na siya ang ama umano ng sanggol na ipinagbubuntis ng aktres. Para kay Sid, hindi dapat mangamba si Andi sapagkat buo naman ang suporta ng kanyang pamilya sa kanya. "We're all dads. We're here for little Eigenmann," ani Sid sa press conference ng GMA fantaserye na Amaya nitong Huwebes. Dagdag pa ni Sid, walang galit umano ang pamilya kay Albie, ngunit kung si siya ang tatanungin, hindi na niya kayang tanggapin muli si Albie kung sakaling makipagbalikan siya kay Andi. "Dineny na niya e. Panindigan na niya 'yan. If that happened to me, kung mahal ko talaga, I will stay," aniya. Samantala, nais ni Sid na lalaki ang magiging baby ni Andi. "Para may partner siya in life," aniya. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News