ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Baby ni Andi Eigenmann, dapat bang ipa-DNA test?


Sa Nobyembre na nakatakdang isilang ni Andi Eigenmann ang baby sa kanyang sinapupunan. At sa kabila ng pagtukoy niya kay Albie Casino na siyang ama ng kanyang baby, tila nais pa rin makasiguro ng batang aktor. Sa nakaraang press conference ng movie na Aswang kung saan kabilang si Albie, muling nausisa ang kahandaan ng aktor na panagutan ang anak ni Andi sakaling mapatunayang siya ang ama ng bata. "Of course! If ever," maigsing tugon ni Albie sa ulat na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP). "Sure! Why not?" Sagot naman niya tungkol sa planong ipa-DNA test ang bata. Gayunman, aminado si Albie na wala pang pag-uusap na nagaganap sa magkabilang panig para talakayin ang gagawing test sa baby.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Dahil sa naturang usapin, nagpukol ng tanong ang Showbiz Exclusives ng GMA News TV 11 nitong Huwebes, kung dapat pa nga bang ipa-DNA test ang baby para lang alaman kung si Albie talaga ang ama ang bata? Samantala, iwas din ang sagot ni Albie nang hingan ng komento tungkol sa mga intriga na mistulang inaako ni Jake Ejercito (napapabalitang nobyo ngayon ni Andi), ang dapat na umano’y responsibilidad niya sa mag-ina. "I don't wanna say anything. I really don't wanna say anything against them, I'd just rather not talk to them, honestly," ani Albie. “"Regarding Jake, that's good for him. Congrats to you, man." – FRJ, GMA News