Nilinaw ng dating child stars na si Chuckie Dreyfuss ang matagal nang isyu tungkol sa kanyang seksuwalidad. Kabilang si Chukie sa mga celebrity na kasali sa inaabangang
Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown. Makakapareha ni Chuckie sa
Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown ang dating ka-love team na si Isabel Granada. Makikipagtagisan sila sa galing sa pagdiskarte at lakas sa siyam na iba pang pares. Sa ulat ni Rey Pumaloy para sa
Philippines Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, sinabing sa pagbabalik ni Chuckie sa showbiz, hindi maiwasan na muli siyang matanong tungkol sa pagdududa noon sa kanyang seksuwalidad, na karaniwan nang ikinakabit sa male stars. Ayon sa aktor, hindi lingid sa kanya ang naturang isyu pero pinili niyang huwag na lamang itong pansinin. "Kung papatulan ko, ano ba naman yun? "Kung papatulan ko, lalo lang lalaki. "Nakikita naman nila na pamilyado ako... "Oo, sasabihin nilang marami naman diyang binabae na pamilyado rin. "Pero what matters to me is I'm confident with my gender," ani Chuckie. Sinabi naman ni Isabel na sadyang malambing lang sa mga kaibigan at pamilya ang kanyang dating ka-love team. Sang-ayon naman si Chuckie na posibleng ang pagiging dating child star at malamya sa pagkilos ang dahilan ang ilang dahilan kung bakit napagdudahan ang sexuality niya. "Alam mo, hindi ko iniinda, e. Parang magpapaapekto ako sa isang bagay na hindi totoo? "Bahala sila kung ano ang gusto nilang sabihin. âBasta ang akin, alam ko kung ano ang totoo. "Alam kong lalake ako at wala akong pakialam sa kanila! "Mahirap hanapin kung saan galing 'yan. "Noong bata ako, siguro medyo nag-struggle ako in a sense na I've tried so hard to prove na hindi ako binabae, lalake ako. "Pero eventually, na-realize ko na it doesn't really matter kung anuman ang ano sa iyo. "I guess bad or good publicity is still a publicity. So, bahala sila sa buhay nila. "Basta ang akin, gagawin ko ang buhay ko at alam kong lalake ako. "If you think I'm different, then the hell with you!" ayon kay Chuckie. Handa naman daw siya sa mga role na palaban at bukas sa mga intimate scene sa kaibigan niyang si Isabel. "Naisip ko na rin 'yan. Trabaho, e. "Kung kinakailangan para sa trabaho, I'll just be professional about it. "Hindi naman ako makiyemeng tao. I'm sure si Isabel doesn't mind kissing me," paliwanag ni Chuckie. Natawa naman si Isabel sa pahayag ng dating ka-love team pero handa raw siyang gampanan ang kanyang trabaho basta hindi ito malaswa. â
GMA News