ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jessica Soho at Kapuso stars, binigyan ng ‘star’ sa 'Walk Of Fame'


Kasama ang GMA News anchor na si Jessica Soho sa mga Kapuso celebrity na binigyan ng “star" sa Walk of Fame sa Eastwood, Quezon City nitong Huwebes ng gabi. Bukod kay Jessica, vice president for news program ng GMA Network, ilan pa sa mga kapuso artists na binigyan ng stars ay sina Iza Calzado, Carla Abellana, Lovi Poe, Heart Evangelista at Rhian Ramos. "Siyempre mas malaking karangalan na makasabay mo ang mga great talents and institution in showbiz gayundin sa pagbabalita. So, maraming maraming salamat kay Kuya Germs," patungkol ni Jessica kay German “Kuya Germs" Moreno, na siyang nasa likod ng Walk of Fame. Ang Walk of Fame ay Philippine version ng sikat na Hollywood Walk of Fame sa US. “Nakagawa ako ng isang bagay na inaakala ko na nakakapagpaligaya ka ng tao, pamilya kung sino man ang nailalagay mong pangalan dito. Kahit na yung nasa itaas na I believe na natutuwa rin sila kahit papano," pahayag ni Kuya Germs. Umabot sa 33 personalidad ang nadagdag sa listahan ng Walk of Fame ngayong taon. Kabilang dito ang mga namayapa na sina Paquito Diaz, Ike Lozada, Helen Vela at Miko Sotto. - FRJimenez, GMA News