ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dream home nina Regine at Ogie, tampok sa Powerhouse


Sa unang pagkakataon sa Philippine television, papapasukin ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang mga manonood sa kanilang dream home sa GMA News show na Powerhouse. Sa ginawang panayam ni Tita Mel Tiangco, host ng Powerhouse, ibabahagi ng mag-asawa kung gaano tinutukan ni Regine ang pamamahala sa disenyo nito sa tulong ng premyadong arkitekto na si Anthony Nazareno. Maglilimang-taon na pero mukha pa ring bago ang bahay na nakatayo sa mala-higanteng tipak ng adobe. Makikita sa modernong estilo ng bahay ang maaliwalas na living area, ang infinity pool, viewing deck at siyempre, ang hi-tech kitchen ng Asia's Songbird. Sa pagbisita ni Mel, ipagluluto mismo siya ni Regine ng Vegetarian Pasta, ang paboritong putahe ni Ogie. At sa pamamagitan ni Tita Mel, ipapasyal ng mag-asawa ang mga manonood sa kanilang pinangarap na tahanan. Abangan din sa episode na ito ng Powerhouse ang panayam sa mag-asawa kung saan ikukwento nila ang ilang bagay na hindi pa marahil batid ng publiko. Kabilang dito ang sikreto ng kanilang relasyon, ang kakaiba at nakatutuwang ugali ng isat' isa, at maging ang pagbibigayan nila sa "kama." Ipagmamalaki rin nila ang kanilang baby boy na si Nate at ibabahagi nila ang ligayang nadarama sa pagiging mga bagong magulang. Ang Songbird at ang Song Writer sa Powerhouse sa Martes, Pebrero 7, 8:00 p.m. GMA News TV Channel 11. -- FRJ, GMA News