ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Derek Ramsay at Angelica Panganiban, hiwalay na pagkatapos ng anim na taon na pagsasama
Kinumpirma ni Derek Ramsay sa kanyang Twitter account noong Lunes na hiwalay na sila ni Angelica Panganiban matapos ang anim na taon na pagsasama. “Guys we truly appreciate all ur concerns. Even though angel and I are no longer together we still have the utmost respect for one another” pahayag ni Derek sa kanyang Twitter account (@IAmDerekRamsay), isang social networking site.
Pagkatapos kumpirmahin ng aktor ang kanilang hiwalayan, may ibang Twitter users na nagsasabing mayroon daw third party.
Ayon din sa ilang Twitter users, si Sam Pinto raw ang dahilan ng kanilang hiwalayan, ngunit pinabulaanan naman ni Derek ang haka-haka.
Ayon sa tweet ni @DopeShorty10 ngayong Mayo 15,2012: “@IAmDerekRamsay papa derek mahal mo na ba c @SamPinto_ ? hindi mo na mahal c moma angel? :( how sad naman.”
Ito naman ang naging sagot ni Derek: “@DopeShorty10 I don't know her.”
Nagkatrabaho isang beses sina Derek at Sam Pinto sa Octoberfest commercial ng San Miguel.
Wala namang naging pahayag ang Kapuso star na si Sam Pinto ukol sa hiwalayan ng dalawa sa kanyang Twitter account. Maging si Angelica ay wala pa ring pahayag sa hiwalayan nilang dalawa ni Derek.
Bagamat may mga nalungkot sa hiwalayan nilang dalawa, mayroon namang ilang Twitter users na binatikos ang hiwalayan nina Derek at Angelica.
Ayon sa tweet ni @justAfan08: “@iamderekramsay kung [g]ano kaproud si Angel noon sa relasyon niyo,ganun ka rin kaproud sabihin na wala na kayo.”
Ito naman ang naging sagot ni Derek sa naturang tweet: “@justAfan08 I'm not proud of the breakup! How I wish things were different. I can't be selfish and consider only my feelings.”
Sinagot din ni Derek Ramsay ang mga negatibong kumento ng ibang Twitter users at idiniin niyang walang may kasalanan sa kanilang hiwalayan at dapat nirerespeto ang kanilang mga desisyon.
“@justAfan08 stop with the assumptions and pls respect our decision,” pahayag ni Derek. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular