Husband of Eula Valdes back in the country for good
Umaasa ang aktres na si Eula Valdes na ngayong nandito na sa Pilipinas ang asawa niyang si Richard Litonjua, matitigil na ang malisyosong balitang iniuugnay sila sa isa't isa ng hunky actor na si Lauren Novero. For a time, pinagpiyestahan ang intrigang may relasyon sina Eula at Lauren (leading man ng aktres sa musical play na ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzicale). Ang pinaka-the height nga ng isyu ay ang balitang naghiwalay na diumano sina Eula at Richard, na isang electrical engineer na based sa Australia. Pero nitong nakaraang December 25, mismong araw ng Pasko, dumating sa Pilipinas si Richard para manirahan na permanently sa bansa. For the sake of his family, iniwanan ni Richard ang magandang trabaho nito sa Australia at tinalikuran ang magandang buhay nito sa naturang bansa. Sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, sinubukan nina Richard at Eula na kayaning mamuhay nang magkahiwalay. Hinarap ni Eula ang showbiz career niya rito sa Pilipinas at nagtrabaho naman si Richard sa Australia. Kinaya naman nila for a while kahit magkalayo sila dahil sa respective careers nila. Umuuwi si Richard dito sa Pilipinas tuwing bakasyon para makapiling ang kanyang asawa at ang anak nila na si Juliana, pati na rin si Miguel — ang anak ni Eula sa una niyang karelasyong si Ronnie Quizon. Pero this time, nagdesisyon si Richard na mag-stay na permanently dito sa Pilipinas para makapiling niya ang kanyang pamilya. Very happy si Eula sa desisyong ito ng mister niya, kaya naman she's enjoying the best of both worlds. Masaya ang personal life niya at humahataw rin ang showbiz career niya. Susunod siyang mapapanood sa ABS-CBN drama series na Maria Flor de luna at sa rerun ng ZsaZsa Zaturnnah musical play this January sa CCP. Incidentally, hindi na si Lauren ang magiging leading man ni Eula sa ZsaZsa Zaturnnah Ze Muzicale. - Rommel Gonzales, Philippine Entertainment Portal