Mariing pinabulaanan ng abogado ng mga Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio na may romantikong relasyon sila ng 14-anyos na Kapuso star na si Bea Binene. Pinag-aaralan din umano ng kanyang tanggapan ang posibleng pagsasampa ng demanda kaugnay ng nasabing isyu. âMs. Bea Binene is a client of our law office. We are assisting her pro bono in organizing the âBea Binene Caresâ Foundation, a charitable corporation for underprivileged children, which is Ms. Bineneâs brainchild," paglilinaw ni Topacio sa kanyang pahayag na ipinadala sa media. Idinagdag ni Topacio, legal spokesman nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo, na inaalalayan din niya sa iba pang legal na usapin si Bea gaya ng mga pinapasok nitong kontrata.

Atty. Topacio at Bea Binene. (Larawan mula sa Twitter account ni Atty. Topacio)
Dahil sa madalas na ugnayan bunga ng kanilang mga propesyon, sinabi ni Topacio na naging malapit na sila sa isaât isa bilang magkaibigan. âIn addition, she has become a close friend of mine through constant interaction. I also greatly admire her as an actress, and as a human being with good intentions and a noble heart," pahayag nito. Nauna na ring
pinabulaanan ni Bea ang ulat na may romantikong namamagitan sa kanila ni Topacio na napakalayo ng agwat sa kanyang edad. âHay naku, nabaliw po ako! Pagkabasa ko, âHa? Talaga?â" tila hindi makapaniwalang sabi ng young actress sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes. âNakita ko kahapon, nagulat ako kasi sobrang imposible. âNa kahit ang awkward-awkward, ang weird niyang tingnan⦠âNagagawan pa rin nila ng anggulo na hindi naman nila alam kung ano ang nangyari." Umaasa ang abogado na mabilis na matatapos ang isyu at hindi maapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Bea. Pakiusap niya sa kung sino man ang pinagmulan ng nasabing kontrobersiya: âI appeal to those who have a quarrel with me â whoever they are â and who want to hurt me: please leave Ms. Bea Binene out of it. She has been through a lot of trials in her young life, and she does not deserve to have any more pain inflicted upon her." âIf you want to hit me, hit me alone; I am ready for you any time, any place, anywhere. But please do not hurt Bea! She is special to me and I will do everything in my power to protect her," dagdag ni Topacio. Pinag-aaralan na rin umano ng kanyang tanggapan ang posibleng pagsasampa ng demanda laban sa pinanggalingan ng intriga. --
FRJimenez, GMA News