ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rama: Thank you Judge Eleuterio Bathan for the recalled warrant of arrest


Binasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 92 nitong Lunes ang Warrant of Arrest laban sa talent manager na si Annabelle Rama, na unang inilabas dahil sa 14 na kaso ng libel na isinampa ng dating aktres na si Nadia Montenegro laban sa talent manager sa di-umano'y mga nakakapanirang-puring mensahe nito laban kay Nadia sa pamamagitan ng Twitter, isang social networking site.
 
Pinirmahan ang naturang warrant of arrest noong Hunyo 11, 2012. Ito ay dahil hindi dumalo si Annabelle sa naturang hearing dahil siya ay nasa ibang bansa.
 
Ayon sa Twitter account ni Annabelle, "Woke up so early this morning, went to the court, represent myself to Judge Eleuterio Bathan."
 
Dagdag pa nito, "I was accompanied by Atty. Howard Calleja, Atty Connie Gimenez and Atty Raffy" at "Thank you Judge Eleuterio Bathan for the recalled warrant of arrest.". 
 
 
Gayundin, binura ni Nadia ang kanyang tweet tungkol sa pagbabasura ng warrant of arrest na binigay ng QC RTC kay Annabelle Rama. — DVM, GMA News