ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Chynna Ortaleza, ang 'bargain fashionista'


Hindi alam ng marami na mahilig mamili sa ukay-ukay ang Kapuso star na si Chynna Ortaleza. Sa katunayan, tinatawag niya ang kanyang sarili bilang isang 'bargain fashionista' dahil sa hilig nitong mamili sa mga ukayan. "Ever since bata ako, pagdating sa mga damit, pag may special occasions, sinisigurado ko na magsta-stand out ako o kakaiba 'yong damit ko, ganyan," kwento ni Chynna sa isang episode ng GMA News TV’s 'Follow That Star' "When I entered show business, my love for fashion really opened up and suddenly na-feel ko na with the help of clothes, I can transform myself from one character to the next, to another character and it's always good to learn something new," patuloy niya. Ayon pa kay Chynna, nakaka-overwhelm ang pamimili sa mga Ukay-ukay dahil sa sobrang dami ng mga damit. Kaya naman kailangan ang 'good eye' ng isang mamimili para makapili ng magandang kasuotan. Sa pagpunta sa mga ‘ukayan,’ makakakuha umano ng mga damit para sa iba't-ibang 'style' ng pagpostura. Kailangan daw niya ang mga ito bilang artista lalo na sa tapings at shows. "Isa mga natutunan ko is don't be afraid to take risks. Kailangan marunong kang mag mix-and-match ng iba't-ibang bagay and just played with it with your imagination," payo ng aktres. Nagbigay din ng tip ang Kapuso actress para sa mga indibidwal na nagnanais maging fashionista tulad niya. "Depends on your attitude. Know yourself first and foremost pagdating sa fashion para at least yung style na ini-exude mo ikaw talaga," saad niya. Ano pa nga ba ang ibang dahilan na nagustuhan niya sa mga ukayan? "It's very unique dahil hindi lahat ng tao makakakita ng same piece. So, okay 'yon ‘di ba, kung ikaw 'yong tipo ng tao na mahilig sa mga unique na bagay. Gusto mo ikaw lang 'yong may gan'ong klase ng damit, makakahanap ka niyan sa ukay-ukay," ayon sa Kapuso star. -- MMacapendeg/FRJ, GMA News