ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Zsa Zsa Padilla, mahinahong hinarap ang sakit na kidney cancer
Isang araw makalipas ang paggunita ng ika-40 araw ng pagpanaw ni Dolphy, mahinahon ang naging pagtanggap ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang Stage 1 kidney cancer at nanatili siyang positibo sa kabila ng kanyang karamdaman, .
Sa kanyang opisyal na Twitter account, isang social networking site, inihayag niya na “When life situations get rough, I find myself taking deep breaths... And I am ready 2 take on new challenges. Living life. One day at a time.”
Sa ulat ng Pep,ph, napag-alaman na may nakitang laman na kasing-laki umano ng golf ball nang magpatingin sa doktor si Zsa Zsa sa Estados Unidos.
Sa opisyal na Twitter account ni Kris Aquino, ibinalita niyang sasailalim sa operasyon sa isang linggo si Zsa Zsa upang alisin ang malignant growth sa kanyang bato.
Ayon kay Kris, “Zsa2 & I had long text conversation Friday night. She explained to me in detail the findings & the medical procedure she'll undergo Aug 27.”
Gayunpaman, nagpapasalamat si Kris na maaagang nasuri ang karamdaman ng kanyang kaibigan, at nag-alay siya ng dasal para sa paggaling nito.
Patuloy din ang pagdarasal ilan pang mga katrabaho sa kaligtasan ng Divine Diva na Zsa Zsa. Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang damdamin sa Twitter ang mga kasamahan niya sa industriya na sina Angelica Panganiban, Ruffa Gutierrez, at Bianca Gonzales.
Ang 48-anyos na aktres at mang-aawit ay tumungo sa California noong nakaraang linggo upang dumalo sa paglunsad ng isang produkto ni Vicki Belo, ayon sa pep.ph na ulat. — Mac Macapendeg/YA, GMA News
More Videos
Most Popular