ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jessica Sanchez: ‘I definitely want the Philippines to be a part of my career’


Lubos ang pasasalamat ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez sa suportang nakukuha sa kanyang fans na tinawag na "Blujays." Sa panayam ng GMA News Online kay Jessica nitong Martes, sinabi nito na naging inspirasyon niya ang mga Blujays para lalo pang pagbutihin ang kanyang career bilang isang mang-aawit. "Definitely, I love them [Blujays] so much. They're so nice and stayed. They're definitely part of my inspiration and my determination," ayon sa dugong Pinay na si Jessica. Nagkaroon na umano ng pagkakataon si Jessica na makasama ang ilan sa kanyang mga tagahanga dito sa Pilipinas. "I love them so much. I actually saw some of them and something like the Big Blujays today," masaya niyang kwento. "They're like waiting for me outside of the pool and they went to me and that was like an amazing feeling." Philippine career Nasa Pilipinas ngayon si Jessica kasama ang iba pang finalists ng season 11 ng American Idol para mag-concert. Sa ngayon, nais daw ni Jessica na ipagpatuloy ang kanyang singing career sa Amerika kung saan siya unang nakilala dahil sa pagsali niya sa contest. Dagdag pa ni Jessica, malapit sa puso niya ang Pilipinas at gusto rin niyang maging parte ng kanyang umuusbong na career. Bagaman isinilang sa Amerika ang dalaga, tubong Bataan naman ang kanyang Pinay na ina. "I'm definitely pushing a career in the [United] States first. But I definitely want the Philippines to be a part of my career," pahayag niya. Pagbabalik-tanaw ni Jessica, bata pa lang ay mahilig na siyang kumanta at sumasali na sa mga singing contest. "I started singing when I was like two years old and so I mean, music has always been like a passion for me and I just kept singing through the years," saad niya. Ngunit bago makilala sa American Idol, naunang sumali si Jessica sa sa isa pang talent contest sa US na America's Got Talent pero hindi siya nanalo rito. Hindi man nanalo, itinuring ni Jessica na isang masayang karanasan ang pagsali sa America’s Got Talent at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Walk of Fame Samantala, iniulat naman sa dzBB ang paglalagay ng pangalan ni Jessica sa Walk Of Fame na matatagpuan sa Eastwood sa Quezon City. Lubos ang pasasalamat ng dalaga na nabigyan siya ng star sa Philippine version ng Walk of Fame ng Hollywood. Itinabi umano ang pangalan ni Jessica sa Pinoy boxing icon na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao, host ng GMA-7 program na Manny Many Prizes. Kasama ang iba pang AI finalists, magpupunta si Jessica sa Eastwood sa Miyerkules para sa mall show. Ang Walk of Fame sa Eastwood ay pinasimulan ng Master Showman na si German "Kuya Germs" Moreno ng Walang Tulugan show ng GMA 7. -- FRJ/KG, GMA News