Makakasama ng mga Kapuso sa Cebu City ang cast ng
Magdalena, ang pinakabagong teleserye na handog ng GMA para sa âKapuso Barangayan" sa Linggo, Setyembre 30. Tutungong Barangay Poblacion Pardo Covered Court dakong 1:00 p.m. at sa Barangay Sambag Uno Covered Court sa ganap na 3:00 p.m. sina Bela Padilla, Dion Ignacio, Pancho Magno, Prince Stefan, Bodie Cruz, Chariz Solomon, at Vivo Ouano upang makisaya at makisalamuha sa mga Kapusong Cebuano. Ang
Magdalena ay tungkol sa istorya ni Lena na gagampanan ni Bela, isang simpleng babae na nagtatrabaho upang suportahan ang kanyang pamilya. Maliban sa kanyang magandang kalooban, mabibighani ang maraming lalaki dahil sa kanyang angking kagandahan. Pero ang kababata niyang si Abel na gagampanan ni Dion Ignacio, ang kanyang mamahalin. Kabilang sa mga mabibighani kay Lena ay sina Ryan Eigenmann bilang si Baron, isang mayamang businessman, at si Pancho Magno bilang si Jet, isang aspiring model. Kasama rin sa Magdalena ang mga batikang artista na sina Maria Isabel Lopez bilang si Huling; Sharmaine Arnaiz bilang si Chato; Irma Adlawan bilang si Luding; Alan Paule bilang si Dolpo, at Deborah Sun bilang si Celya. Magpapahirap naman sa mundo ni Lena si Carol na gagampanan ni Pauleen Luna. Kasama rin sina Lexi Fernandez, Charizze Solomon, Boddie Cruz, Prince Stefan, Vivo Ouano, Alvin Aragon, Mayton Eugenio, Via Antonio, Chuckie Dreyfuss, Tess Bomb, at ang kinikilalang Indie Queen na si Mercedes Cabral. Ang
Magdalena ay batay sa Pinoy komiks na "Kukulayan Ko Ang Langit" na isinulat ni RJ Nuevas. Ang
Magdalena ay mula sa direksyon ng aktres at direktor na si Gina Alajar at mapapanood ngayong Oktubre 8 sa Dramarama sa hapon GMA pagkatapos ng
Sana Ay Ikaw Na Nga. --
Mac Macapendeg/ FRJ, GMA News