ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kakaibang samahan sa 'Taste Buddies,' sa Sabado na sa GMA News TV


Photo by Esperanza Estrada, GMANetwork.com
Hindi lang barkadahan, may kainan pa. Simula sa Sabado ng hapon, October 27, may bagong makakasama ang ating mga Kapuso sa GMA News TV 11. Ito ay ang cooking lifestyle program na Taste Buddies. Pangungunahan ito nina Solenn Heussaff at Isabelle Daza kung saan magluluto sila ng mga pagkain kasama ang kanilang mga kaibigan. Ayon kay Isabelle na mula sa angkan ng mga kilalang nagluluto gaya ng kanyang lola na si Nora Daza, ang Taste Buddies ay sasamahan din nilang ng kwentuhan at fashion tips. “Marami kaming guests na dadating and tutulungan kami magluto or magiging judge sa pagluluto namin. And then, yun, mga guwapo, mga sexy," ayon sa dalaga. Pahayag naman ng program manager na si Charles Koo: "We are offering a fresh take on cooking shows with the introduction of Taste Buddies. The show will combine elements of story-telling, reality, cooking, and lifestyle. Add to that, we will introduce an actual blog for the digital audience to enjoy as well. Solenn and Isabelle plus good food will definitely be a great feast to join in on every Saturday on GNTV," Sa Sabado, ipakikita nila ang paggawa ng peanut butter-banana smoothie gamit ang soy milk at lemongrass pandan tea para maging pamatid uhaw. Namnamin din ang inihanda nilang roasted chicken pizza pandesal at creamy dulong pasta na tamang-tama sa mga heath conscious Kapuso. At sa dessert, may inihanda sina Solenn, Isabelle at kanilang mga barkada ng bread and butter pudding with vanilla ice cream. Halina sa bagong samahan na Taste Buddies simula sa Sabado sa ganap na 5:40 p.m., sa GMA News TV 11. – FRJimenez/GMA News