ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marvin trying to fix problems with Pauleen's parents


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ilang beses nag-attempt ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na tawagan sa kanyang cell phone ang young actor na si Marvin Agustin para hingan sana ito ng reaction sa sulat ng mommy ni Pauleen Luna na binasa sa Startalk last Saturday, January 20. Gayundin sa mga naging pahayag ni Pauleen. Pero hindi sinasagot ni Marvin ang mga text at tawag sa kanya. Sa sulat na binasa sa Startalk, obvious na against ang mga magulang ni Pauleen sa relasyon ng anak kay Marvin. Sabi ni Pauleen kay Marvin, "Sana maintindihan mo yung sitwasyon ko ngayon, and I stand with my parents... I wanna be a good daughter." Tila ang mga magulang talaga niya ang pipiliin niya over her relationship with Marvin. At dahil hindi pa makausap si Marvin, ang publicist nito na si Joey Diego ang nakausap at nahingan ng reaction ng PEP sa kung ano ang damdamin ni Marvin tungkol sa isyu. Ayon kay Joey, maaari nga raw na sa ngayon, hindi pa muna magpapa-interview si Marvin dahil kahit ano naman ang sabihin nito, walang kalulugaran ang aktor dahil siya ang lalaki. Ganunpaman, nang makausap daw ito ni Joey, ang nasabi lang daw ni Marvin about the issue ay hindi naman daw kasi niya puwedeng kalabanin ang mga magulang. Naiintindihan din daw niya kung nagiging protective ang mga ito kay Pauleen. Natural lang daw yun sa magulang. Inaamin din naman ni Marvin na may tampuhan nga between him and Pauleen's parents, pero nasa puntong inaayos pa rin niya ito. Kung si Marvin ang tatanungin, wala raw siyang alam na nagawa niyang mali or kasalanan para bigla na lang magbago ang tingin sa kanya ng mga magulang ni Pauleen, lalo pa't dati naman ay boto raw sa kanya ang mga ito. May usap-usapan na ang pinagmulan lang daw ng pagka-disgusto ng mommy ni Pauleen ay ang insidenteng nangyari sa taping ng Ang Mahiwagang Baul kung saan guest ang young actress at si Marvin. Sa taping daw kasi, pilit inaalok ng pagkain ni Marvin ang girlfriend. Pero dahil nagda-diet ang dalaga, ayaw raw nitong kumain at patuloy sa pagbabasa ng libro. Pabiro raw nang hinablot ni Marvin ang binabasang libro ni Pauleen. May nagkuwento raw sa mommy ni Pauleen ng insidente at tila nabigyan ito ng ibang kulay. Bagama't may nalalaman, ayaw pang pangunahan ni Joey bilang publicist si Marvin sa anumang reaction. Ang huling pahayag lang ni Joey, "Ang pagkakaalam ko, hanggang ngayon [January 22] ay sila pa rin. Wala naman kasi talagang problema between Pauleen and Marvin." - Philippine Entertainment Portal