Nanguna pa rin sa TV ratings sa Mega Manila noong nakaraang linggo ang longest running noontime show sa Pilipinas na
Eat Bulaga laban sa katapat nitong programa na
It's Showtime. Ito ay batay sa ipinalabas na overnight ratings ng AGB Nielsen Phils. Sa datos na ipinalabas ng higit na kinikilalang rating service provider sa bansa na AGB Nielsen para sa Mega Manila households nitong October 22-27, halos kalahati ang naging kalamangan ng
Eat Bulaga sa
Itâs Showtime na nagdaos ng kanilang week long anniversary show. Narito ang naturang datos ng Nielsen:
Oct. 22, Monday Eat Bulaga! -- 21.6% Itâs Showtime -11.7%
October 23, Tuesday Eat Bulaga! -- 21.3%
Itâs Showtime -- 10.6%
October 24, Wednesday Eat Bulaga! -- 22%
Itâs Showtime -- 13.3%
October 25, Thursday Eat Bulaga! -- 23.8%
Itâs Showtime -- 15.4%
October 26, Friday Eat Bulaga! -- 23.5%
Itâs Showtime -- 15.6%
October 27, Saturday Eat Bulaga! -- 23.1%
Itâs Showtime -- 13.2%
Extra strong ang Extra Challenge! Kasabay nito, kumabig din ng mataas na TV ratings ang nagbabalik na mas pinalakas na
Extra Challenge nina Marian Rivera, Richard Gutierrez at Boobay nitong nakaraang weekend. Sa mga panggabing programa sa telebisyon noong Sabado, Oct 27, pumangalawa ang
Extra Challenge na may 24.6% points sa nangunang kapwa Kapuso show na
Kapuso Mo Jessica Soho na may 25.2%points. Pagsapit ng Linggo, Oct 28, pumangalawa muli ang
Extra Challenge na may 21.4% points sa nanguna ring kapwa Kapuso show nang gabing iyon na
Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento na may 21.6% points. Ang Mega Manila ang kumakatawan sa 59.5 porsiyento ng total urban television households sa buong bansa. At ang Nielsen TV Audience Measurement ay mayroong 1,190 sample size household sa Mega Manila. Bukod sa GMA-7, naka-subscribe sa Nielsen TV Audience ang 21 iba pang kumpanya kabilang na ang ibang major networks tulad ng TV5, Faulkner Media, CBN Asia, at 15 advertising agencies, at tatlong regional clients. â
FRJimenez GMANews.TV ang official news site ng GMA Network's News and Public Affairs department.