ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bagong album ng Chicosci, tumatalakay sa usapin ng estado ng OPM


L-R: Ariel Lumanlan, Miggy Chavez, at Calde sa grand launch ng kanilang ika-anim na album.
Isa sa mga awitin ng alternative rock band na Chicosci sa kanilang ika-anim na album na "This Is Not A Chicosci Record" ay tumatalakay sa kinatatayuan nila sa usapin ng estado ng Original Pilipino Music (OPM) sa bansa. "The fact that we came out with a new record, 'yon na 'yon, eh. That's a statement on its own," diin ni Miggy Chavez, ang bokalista ng banda. Dagdag pa nito, "Because if we believe that it's dead, then why would we waste our time, energy, and money to make it [the album]?" Sa ginanap na album launch sa Eastwood Central Plaza noong Oktubre 31, ipinamalas ng bandang binubuo nina Chavez (vocals), Mong Alcaraz (guitar), Calde Calderon (bass guitar), Ariel Lumanlan (guitar), at Macoy Estacio (drums) ang mga awiting sa kanilang bagong album.
Masayang kinanta at ipinakilala ni Miggy Chavez ang mga awitin sa kanilang bagong album.
Ayon kay Mong, pakinggan na lamang ng mga Pilipino ang kanta nilang "nOPM" upang malaman ang kanilang sagot sa usapin kung patay na ba o hindi ang OPM sa bansa. Mayroong 14 na awitin ang pinakabagong album ng banda na sinasabing tumagal ng isang taon ang produskyon. Ilan sa kanilang awitin ay ang "Stealing Kisses," "Fire Away," at ang kanilang malakontrobersiyang awitin na "nOPM". 'This Is Not A Chicosci Record' Biro ng banda, napili nila ang nasabing album title dahil gusto nilang gumawa ng kontrobersiya sa industriya ng musika. "Our band does not take [album] titles too seriously, we take our music seriously and kung... 'This is not a Chicosci Album' kasi maraming bago [at] maraming luma," pahayag ni Mong. Dagdag nito, "Hindi mo na masabi kung saan nanggaling 'yung song, at least us, hindi na namin masabi kung saan galing." Isa sa mga adhikain ng kanilang album ay ipakita sa kanilang mga tagahanga at tagapakinig na hindi batayan ang pangalan ng banda para maging matagumpay ang isang album o awitin. "So we make it also an appeal na Chicosci fans really listen [like they] let go of stigmas, let go of... kasi nasa mp3 era na tayo, eh," pahayag ni Mong. "Songs come and go, wala tayong radio, wala tayo na ganong klaseng support so we're spoon feeding you what we want you to think." — BM, GMA News
Tags: chicosci