ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mara Altiera in 1st ever sex scene
By RUEL MENDOZA, Philippine Entertainment Portal
Greek-German-Filipino ang lahi ni Mara Altiera, ang bidang babae sa directorial debut ni Ihman Esturco na Troika (Threesome) ng Daven Productions International. Taga-Angeles City, Pampanga si Mara. Ikinuwento ng newcomer kung paano niya nakuha ang role sa Troika at kung paano siya napapayag na gawin ang mga maiinit na eksena sa pelikula. Aniya, "Matagal ko nang kaibigan si Direk Ihman. Supposed to be ay hindi ako ang bidang babae rito sa Troika. Nag-backout kasi yung original na girl na kinuha for the movie. Since nagmamadali na nga sila to start shooting, ako na ang kinuha ni Direk Ihman." Patuloy ni Mara, "Pinag-workshop lang niya kami nina Andre Soriano at Jamil Basa ng isang araw and the next day, umakyat na kami sa Baguio City to shoot. Unang eksena ngang kinunan sa akin ay sex scene kaagad with Jamil. Kinabahan talaga ako kasi first time ko ‘yon gagawin. Gusto ko na nga sanang mag-backout, pero nakakahiya na dahil nandoon na kami." Dagdag pa niya, "Sa awa ng Diyos, nagawa namin yung scene na ‘yon. Pero kabadong-kabado talaga ako. Mabuti na lang okay katrabaho si Jamil at inalalayan niya ako sa eksena." Nagtapos ng high school si Mara sa Holy Angels Academy sa Angeles City at ngayon ay nag-aaral siya ng web design sa Informatics Computer College sa Manila. Ang ama ni Mara ay isang Greek-German, pero matagal na raw niya itong hindi nakikita. "Balita ko kasi ay nasa Germany na siya at may ibang family na. My Mom got married to another guy na siyang stepfather ko na ngayon. May dalawang kapatid ako sa kanya," kuwento pa ni Mara. Ayon kay Mara ay napaka-religious daw ng mother niya. Pinoproblema nga niya kung ano ang magiging reaction ng kanyang ina sa mga sex scenes na ginawa niya sa pelikula. "Hindi pa kasi nila alam kung ano ang ginawa ko sa movie. Feeling ko, maloloka ang mother ko kasi napaka-active pa naman niya sa church. Pero siguro naman my Mom will understand at trabaho lang naman ito. Minsan lang dumating ang ganitong opportunity kaya I took the risk. And worth it naman," sabi niya. Mabuti na lang daw at walang boyfriend ngayon si Mara kundi ay baka hindi siya payagan sa ginawa niya sa Troika. Ginagampanan ni Mara sa Troika ang isang lonely housewife na may 10-year-old autistic child. Nagkaroon siya ng instant attraction sa isang minero (played by Jamil) na nagnanasaan din pala ng kanyang mister (played by Andre). - Philippine Entertainment Portal Tags: maraaltiera, troika
More Videos
Most Popular