ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez to get a Ducati bike from Ylmaz


Naipangako ng Turkish millionaire na si Yilmaz Bektas sa kapatid ng asawa niyang si Ruffa Gutierrez na si Richard Gutierrez ang isang Ducati motorcycle noong bumisita ang una sa Pilipinas noong nakaraang Pasko. Noong nakaraang Christmas holiday ay muling nagbalik sa Pilipinas ang Turkish millionaire husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Ang unang dahilan ng kanyang pagbisita matapos ang halos apat na taon ay para dalawin ang kanyang mag-iina—si Ruffa at ang kanilang dalawang supling na sina Lorin, 3, at Venice 2—na nauna nang iniuwi rito ni Ruffa para makapag-celebrate ng Kapaskuhan kapiling ang buong Gutierrez family. Matatandaang una at huli palang nasilayan ng mga Filipino ang kaguwapuhan ni Yilmaz noong dumayo siya rito noong Marso 25, 2003 para pakasalan si Ruffa sa isang Christian ceremony na ginanap sa NBC Tent sa The Fort, Taguig. Bagama't isang Muslim, hindi alintana ni Yilmaz na iparanas sa mga anak ang pages-celebrate ng Pasko na kaugaliang nakalakihan na ng Katolikong asawang si Ruffa. Katunayan, maski si Yilmaz daw mismo, ayon kay Ruffa, ay gustong makaranas nito kaya nga diumano ito nagbakasyon noong Disyembre. Sa kulang-kulang dalawang linggong pagtigil ni Yilmaz sa Pilipinas ay narating nito ang summer capital nating Baguio City, kung saan ay may naipundar na bahay-bakasyunan ang mga Gutierrez. "Pero dahil ang dami namin, hindi kami sa vacation house namin nag-stay. We checked in sa Manor Hotel in [Camp] John Hay," kuwento ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Ayon pa kay Ruffa, nakapag-bonding daw nang husto si Yilmaz at ang kanyang pamilya, lalo pa't halos walong oras silang magkakasama sa isang malaking van. "Long road trip kami..." dagdag ni Ruffa. Can you just imagine na ilang oras kami sa sasakyan?" Mula December 26 hanggang 30 ay nakahimpil sa Manor sa Baguio ang mga Gutierrez at si Yilmaz. Wala raw silang ginawa roon kundi ang magkasiyahan. "Si Yilmaz saka si Daddy [Eddie Gutierrez], they played golf. Tapos, with my brothers, bowling naman ang nilaro ni Yilmaz. Nagpustahan pa nga sila ni Richard—talo Yilmaz by a mere one point," dagdag pang kuwento ni Ruffa. Noon una'y tila ayaw pang ibisto ni Ruffa kung ano ang nakataya sa pustahan bagama't napilit din naman siya ng PEP. "Pag natalo si Yilmaz, he promised to give Richard a Ducati motorcycle. E natalo, so he has to ship one from Italy," natatawang sabi ni Ruffa. "Si Richard, pag natalo, reregaluhan niya si Yilmaz ng furniture na gawa ni Budji Layug [pamosong interior decorator]. 'Yong meron din sina Angelina Jolie at Brad Pitt. Maselan kasi sa gamit si Yilmaz, but he loved Richard's pad and he loved his furniture. Sabi ni Richard, kahit daw nanalo, reregaluhan pa rin daw niya si Yilmaz. Sweet talaga ng brother ko," sabi pa niya. - Philippine Entertainment Portal