ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez, inaming 'tinatrabaho' na nila ni Ogie Alcasid ang kanilang second baby


Pinatotohanan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na nag-aalala ang mister niyang si Ogie Alcasid sa dalawa nitong anak na babae kay Michelle Van Eimeren. Balita kasing inaaligiran na ng mga boys ang mga nagdadalaga, naggagandahan, at talentadong anak na sina Leila at Sarah—na ikinababahala ni Ogie. Sabi ni Regine tungkol kay Ogie, “Natural lang naman yun. Siyempre, tatay siya at bilang malayo siya, nag-aalala yun. “Pero nawawala lahat yun kasi magaling na nanay si Michelle. She’s so... really good mother. “At saka sa lahat ng nangyayari sa anak nila, naka-report lahat kay Ogie. “Wala siya talagang pinapalampas na hindi niya sasabihin, kasi ayaw niyang mag-alala si Ogie and later on maging issue. “Sobrang galing talaga niya. Plus yung husband niya is a really good father to the two girls also. "Talagang nakakatuwa naman." Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine bago sila lumipad patungong Australia para magbakasyon. MONITORED. Ayon pa kay Regine, gumagawa ng paraan si Ogie na maabot ang mga anak sa Australia at kay Nate na kasama nila dito sa Pilpinas. “He’s a good father—a really good father," pagmamalaki ni Regine kay Ogie. “Kaya nga noong nabuntis ako kay Nate, hindi ako nag-aalala na, ‘Naku, paano kaya maging tatay ito?’ Kasi normally, ganoon, di ba? “Ako, relax lang ako, e. Kasi nakita ko na siya kung paano siya [maging tatay], e. “He’s a good provider, masipag… tapos bilang isang tatay, sobrang malambing, disciplinarian. Yung tamang-tama lang. "So, hindi ako worried kasi alam kong… “Yun nga, e. Yung dalawang anak niya sa Australia, medyo malayo sa kanya, talagang natutukan niya, namu-monitor niya. Eto pa kayang nandito sa amin?" MAMA’S BOY. May plano si Ogie na hindi muna ito tatanggap ng patung-patong na trabaho para magkaroon siya ng maraming panahon sa pamilya at sa baby nila. Pagsang-ayon ni Regine, “Kasi, may nangyari noong nanganak ako, yun ang kabisihan niya. “Hanggang ngayon, busy siya, e. “So, nagseselos siya, kasi feeling niya, ayaw sa kanya ni Nate. "E, siyempre, pag lalaki, mas ma-Mama… Mas gusto niya may dede!" tawa niya. Patuloy niya, "Siyempre, sa Mommy yun. Ganoon talaga. “And then he said, ‘E, kasi hindi pa talaga kami nagba-bonding.’ "Sabi ko naman, ‘Pag lumaki-laki ng konti, sa iyo ‘yan.’ “Kasi may mga age na, according to my friends, may mga anak na lalaki, pag nagri-reach sila ng twelve hanggang eighteen, or mag-twenty, hindi sila masyadong close sa mommy—mas maka-tatay. “Kasi yung sports, siyempre, lahat ng bonding nandoon. “E, ang mommy, lalambingin mo sila… nahihiya sila. Pero babalik din daw yun." TWINS. Isa sa nakikitang solusyon ng Asia's Songbird para pareho silang may pinagkakaabalahang mga bagets ay isa pang baby. “Kung ibibigay, why not?" asam na sambit ni Regine. Hindi ba naman siya mahihirapang magbuntis? Umiling muna si Regine at saka sinabing, “According to my OB [Gynecologist], okay pa ako. “Kasi I took care of myself naman… I’m still taking care of myself naman. “So, parang ang bata nga raw ng ano ko, e… so kaya pa… kaya naman." Posible kayang maging kambal naman ang susunod nilang baby? “Yun ang gusto ko," excited na sambit ni Regine. “Pero kung ibibigay… naku, hindi pa nga sure kung mabubuntis ako uli e." Meron bang history ng kambal sa pamilya nila? “Kami yung may lahi," aniya. Tinatrabaho na ba nila ang paggawa ng baby? “Oo, nagse-sex kami! Kung yun ang tinatanong ninyo," hirit ni Regine na nasa comedy-mode. Patuloy niya, “Hindi na namin pinaplano. “Kasi pag pinaplano, mas nahihirapan kami. Although, noong dumating si Nate, nagpaplano na kami. Okay this time. “Kaya lang, noong nabuntis ako, meron akong soap. So, talagang hindi yun actually ang plano namin… after." HONEYMOON. May Europe tour sana ang mag-asawa after ng wedding nila noong 2010, pero baka hindi na nila ito ituloy. “Oo, kasi magha-honeymoon kami. Yun ang plano. Kaso, hindi na nga natuloy. “Wala na, may bagets na, e!" Sa palagay ba nilang mag-asawa, bigla na lang darating yung pagbubuntis ni Regine? “Parang ganoon na siguro ang mangyayari, kasi hindi nga namin na pinaplano. “Kasi alam mo naman si God, pabigla-bigla, hindi mo talaga ini-expect." Ano ang gusto nilang maging second baby? “Kahit ano. Kahit ano, basta healthy, okay na yun—at para hindi mapalitan sa ospital." RH BILL. Pabor si Regine sa controversial na Reproductive Health o RH Bill lalo’t malapit na itong ipairal bilang batas. “Mabuti naman," pagsang-ayon niya. “Alam kong maraming against it. Pero alam ninyo, in the long run, mari-realize... "Especially yung mga tao na talagang against doon, mari-realize nila na it really is for our country. At dami-dami na nating masyado. “Wala namang masama siguro kung paplanuhin natin yung pamilya natin. “And also one good thing about it, mae-educate yung hindi masyadong alam kung paano magplano ng family. “So, iyon lang naman yun, e—education. “Kasi ang hirap naman yung bara-bara, bay, na hindi mo paplanuhin yung pamilya mo, tapos ‘eto lang pala yung kaya mo." -- Rey Pumaloy, PEP