ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gladys plans to migrate to USA


Kung naiwan man ni Gladys Guevara ang Eat Bulaga! at kung saka-sakaling iiwan niya ang showbiz, it has nothing and it will not have anything to do with Janno Gibbs. Dalawang magkasunod na beses na humarap si Gladys sa press. Una sa press conference ng Magic Kamison last Monday, January 29. At ikalawa kaninang tanghali, February 2, sa Don Henrico's, Tomas Morato for her pre-Valentine show with Rico J. Puno and Vernie Varga na Love Affair. Sa Magic Kamison press con, nagkaroon ng kaguluhan nang mag-walkout ang ilang entertainment editors following Gladys's own abrupt French leave after she cried over a question posed to her. Naitanong kasi kay Gladys kung bakit hindi lahat naniniwala na "health reason" ang dahilan niya sa pagre-reign niya sa Eat Bulaga!, when in fact, tumanggap pa siya ng ibang trabaho tulad nga ng Magic Kamison. Nag-explain si Gladys kung bakit siya umiyak sa press con ng Magic Kamison during the press con of her pre-Valentine show, ang Love Affair, na gaganapin this February 10 sa Crowne Plaza Hotel. Nagulat daw kasi si Gladys na hindi na nga siya pinaniwalaan, pinilipit pa rin siyang sumagot na hindi nga ayon sa tunay na pangyayari. "Health reason" daw talaga ang tunay na dahilan kung bakit siya nag-resign sa Eat Bulaga!. Hirap na hirap na raw siya na anim na beses isang araw ay kailangan niyang gumising ng alas-otso pa lang ng umaga para makarating on time for Eat Bulaga!, lalo na't galing siya sa isang show kinagabihan. Dagdag ng manager ni Gladys na si Jun Nardo, matagal na raw nagri-request ang comedienne na umalis sa Eat Bulaga!. Nang una itong pinasabi sa pinaka-executive producer ng show na si Malou Choa Fagar, they were offered indefinite leave kaysa outright resignation. Jun suggested this to Gladys but she insisted on resigning. Ngayon, bago pa siya nakapag-resign sa Eat Bulaga!, natanggap na niyang pareho ang Magic Kamison ng GMA-7 at Love Affair concert ng Royale ERA Production ni Annabelle Rama. Kung hindi niya raw ito gagawin, malamang na siya naman ang maipit dahil may mga kontrata na ito. May isa pa ngang plano si Gladys na ngayon niya lang nasabi. May balak din siyang mag-migrate. Gladys said that almost all of her family ay nasa USA na and she plans to follow them. Katunayan, nagtatanong na nga siya sa same lawyer noon nina April Boy Regino at ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado kung paano makakuha ng special visa for talents like her. Puwede rin siyang manirahan doon not just as a talent anymore at puwede na lang siyang rumaket paminsan-minsan. Sabi ni Gladys, while she still enjoys her work, napapagod na rin siya paminsan-minsan, lalo pa't may back problem na siya ngayon. Turning 30 this February 22 si Gladys. She started working and singing in Grade 6, when she was only 12 years old. Guests nga pala nina Gladys, Rico, at Vernie sa Love Affair sina Rufa Mae Quinto, Erik Santos, at ang SexBomb. Mula ito sa stage direction ni Al Quinn and musical direction of Gerry Matias. - Philippine Entertainment Portal