ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Magpakailanman presents: 'Kagat ng Asong Ulol: The Eduardo Sese Story'


Araw-araw ay may mga taong nakakagat ng aso o nakakalmot ng pusa, o ng kung ano pang mga hayop. Pero ang mga sugat na likha nito ay kadalasang pinapabayaan dahil sa kanilang tingin ay galos lamang at malayo sa bituka. Sa kabila ng mga impormasyon tungkol sa peligro ng rabies, marami pa rin ang hindi nakakaintindi sa panganib na dala nito. At kadalasan, ang kanilang kawalan ng kaalaman ang nagiging sanhi ng kanilang pagkamatay. Sa Sabado, tatalakayin sa Magpakailanman ang kwento ng tubong Pampanga na si Eduardo Sese. Isang pamilyadong tao na mababago ang buhay dahil sa simpleng kagat ng tuta. Gaganap bilang Eduardo ang Kapuso star na si Gabby Eigenmann. Makakasama niya sina Rochelle Pangilinan, Irma Adlawan at Maybeline dela Cruz. - FRJ, GMA News