ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga anak ni Chiz, naaapektuhan na sa kontrobersiya ng ama, ayon sa dating asawa


Naaapektuhan na raw ang kambal na anak ni Senator Francis "Chiz" Escudero sa mga intrigang kinasasangkutan niya ngayon ayon sa dating asawang si Christine Elizabeth Flores. Ito ay kaugnay sa pagtutol ng mga magulang ng aktres na si Heart Evangelista sa relasyon nito kay Chiz.
 
Sa text message na ipinadala ni Christine sa GMA News, sinabi nitong, "The recent issues involving my former husband and Ms. Evangelista and her parents have been very disturbing for me and my children. I am sincerely appealing to all concerned to please respect my privacy and that of my children."
 
Ayon sa mga magulang ni Heart na sina Rey at Cecile Ongpauco, wala raw kagandahang asal na ipinakita ang senador sa kanila at may problema raw ito sa pag-inom.
 
Maliban dito, pinabulaanan naman ni Christine ang mga balitang pisikal siyang inabuso ng tumatakbong senador at sinabing wala siyang kakahayang gawin ito.
 
Ayon pa sa nasabing pahayag, "...the false accusation about me being physically abused by him is definitely not true. I don't think he can ever do that to anyone."
 
 
Gayundin, nalulungkot daw siyang nadadamay na ang ibang taong walang kinalaman sa nasabing problema nina Sen. Chiz at Heart.
 
"I am saddened by the fact that this whole thing has turned into a media circus, thus affecting and hurting people who are not involved," saad ni Christine.
 
Gayunpaman, wala pang pahayag ang mga magulang ng aktres hinggil sa naging panayam kay Heart Evangelista sa lifestlye show na H.O.T. TV noong Linggo.
 
 
 
Nauna namang nagpahayag ang ina ni Heart na kung maaari ay bumalik na siya sa kanilang tirahan dahil sa masamang karamdaman ng ama nitong si G. Rey.
 
 
"Heart Evangelista's father, Rey Ongpauco, 70, has been suffering chest pains since the family feud broke out against Sen. Chiz Escudero. If she wants to discard us, we accept her decision. But she knows about her dad's precarious medical condition," nakasaad sa nasabing pahayag.
 
Dagdag pa rito, "He [Sen. Chiz] has different sides, depending on his political convenience. Our family is face-to-face with a dangerous politian." — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News