ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rosanna Roces says problem with son Onyok is a family matter


  Katulad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinubukan din ng ilang press at media na kumustahin ang kalagayan ni Rosanna Roces at kung gusto nitong magpa-interview hinggil sa nangyaring gulo sa pagitan nila ng kanyang anak na si Onyok. Ngunit sa Facebook status niya nitong Lunes nggabi, April 1, tila nagbigay na ng kanyang kasagutan ang award-winning actress at dating sexy star sa mga taga-press na gustong kapanayamin siya. Sabi ni Osang sa kanyang status tungkol sa mga gustong mag-interview sa kanya: “sa mga press na tawag ng tawag ...Pls lang Usaping pamilya ito..irespeto nyo naman..hindi ito isyu na dapat nyong ilathala o pagkakitaan ..Para ano Para saan????? makakagulo lANG kayo sa mga isyung dapat kaming mag ina ang involve, Wag nyo ng gamitin ang isyung to sa pag divert sa mga isyung pumapatay sa bawat isa sa ating lahat..YAN ay ang mga nagyayaring katiwalian sa pamahalaan at isyung lahat tayo ay pinahihirapan.” Sa status niya ring ito, nakiusap siyang huwag itulad kay Kris Aquino. Matatandaang naging laman ng mga balita at naging usap-usapan sa buong bansa ang tinaguriang "Queen of All Media" dahil sa gulo nito sa dating kinakasamang si James Yap. Damay rin sa pakiusap ni Osang na huwag itulad kay Kris, ang kapatid ng TV host-actress na si Presidente Noynoy Aquino. Sabi pa ng dating "TF Queen" o "Titillating Films Queen" tungkol sa pakiusap niyang huwag nang magsalita tungkol sa nangyari sa kanila ng anak: “…HINDI SHOWBIZ ANG ANAK KO AT UMIIWAS NA AKO MATAGAL NA MAG PA INTERVIEW KUNG WALANG WAWA DIN NAMAN ANG PAG UUSAPAN. ang problema ng INA at ANAK ay di prublema ng BAYAN, kaya nakikiusap ako. MAG ISIP..TALAKAYIN AT PAG USAPAN ANG ISYUNG NAGBABAON SA ATIN SA KAHIRAPAN. Spare us pls....Para na lang sa NANAY ko.”   Una rito, sa pamamagitan din ng kanyang FB account ay ikinuwento ni Rosanna ang nangyaring sakitan nila ng kaniyang anak na si Onyok. “DI AKO MAKARELAX SINAPAK AKO SA MUKHA ....EH! SIKO NAMAN GINANTI KO SA ILONG NYA!

NANGINGINIG ANG P[-----]INA DI NA MAKAGALAW SA KINASADLAKAN..[---]INA AKO PA GAGALITIN NYO EH LAKI AKO SA KALSADA..KAYO P[-----]INANYO PURO PAGPAPALAKI NG B[---]G ALAM NYO! KAHIT DALAWA PANG SINLAKI MO ONYOK ALAM MO GANO KO KALAKAS PASALAMAT KA WALA NA AKONG BARIL !!”

Inilagay pa ng aktres sa kanyang FB status kung paano niyang tinangka niyang saksakin ng kutsilyo ang lumapastangan sa kanyang anak at ang paghingi rin ng tawad nito.

“hindi sapat na LUMUHOD KA SA HARAP KO.... AT HUMINGI NG TAWAD NA GALING SA ILONG.

SA DIOS KA LUMUHOD AT MANGHINGI NG TAWAD ..DAHIL SA KANYA MANGGAGALING ANG KAPARUSAHAN MO SA GINAWA MO SA INA MO. PASALAMAT KA NA RIN..YUNG ISASAKSAK KO SA YO...NASALAG NI DIDING. BASTA AKO MANHID NA AKO SA MGA PINAGAGAWA NYO SA AKEN ...KAYA KO NA KAYO [TIISIN] ...NAGAWA KO NA LAHAT. AANHIN KO ANG ME KASAMA KUNG GINAGAWA NAMAN AKO TAU TAUHAN. TANDAAN MO LANG WALANG TAONG NABUBUHAY NG PARA SA SARILI NYA LANG. WALA KA PANG NARARATING!!! WALA KA PANG NAPAPATUNAYAN...... AT LEAST AKO.......... ICON AKO!!! EH IKAW??? BUTI NGA LUMAYAS NA!!! ( NATAWA naman ako sa dayalog ko na to).” -- Rommel R. Llanes, PEP

 

Tags: rosannaroces