ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Eleven-year-old Pinay wows in 'Britain's Got Talent' but got criticized for song choice


Isa na namang Pinay ang nakagawa ng ingay sa isang reality search abroad. Meet 11-year-old Arisxandra Libantino from Aspley, Nottingham, Nottinghamshire, England. Sa April 13 airing ng Britain's Got Talent Series 7 sa U.K., pinahanga ni Arisxandra ang audience at judges ng show, nang mahusay niyang inawit ang "One Night Only" mula sa Broadway show-turned-movie na  Dreamgirls. Kinanta niya ang 2006 version sung by Jennifer Hudson. Sa pagdating pa lang ni Arisxandra sa stage ay natuwa na sa kanya ang judges at audience dahil sa suot niyang pink dress. Binati agad ang ganda niya. Napansin pa ng judge na si Amanda Holden ang malaking sapatos na suot ng bata. Nang sabihin na ni Arisxandra na "One Night Only" ni Jennifer Hudson ang kakantahin niya, nagkomento ang judge na si Alesha Dixon na, "Good choice." Sa tabi naman ng stage, sa bungad ng backstage ay ipinakita ang parents ni Arisxandra na halatang ninenerbyos para sa kanya. Nang magsimula nang kumanta ang batang Pinay ay nag-react agad ang audience. Nahuli pa ng camera ang reaksyon ng pagkabigla ni Alesha sa boses ni Arisxandra. Maya-maya pa'y malalakas na palakpakan at hiyawan na ang maririnig sa mga manonood sa pinagdadausan ng audition night ng show. Hindi naman nilunod ng mga palakpak at hiyawang ito ang taas at lakas ng boses ni Arisxandra. Kitang-kita ang pagkamangha sa mga mukha ng audience habang kumakanta si Arisxandra. Nang matapos nang kumanta si Arisxandra ay napa-standing ovation ang lahat ng nasa venue, kasama na ang apat na judges na kinabibilangan nina Alesha, Amanda, David Walliams, at Simon Cowell. Napa-thumbs up pa sa kanya ang dating American Idol judge na si Simon. Panoorin ang mga nakakatuwang comments ng judges sa video na ito starting at 4:22 Siyempre pa, dahil sa kanyang impressive performance, nakakuha ng apat na "Yes" si Arisxandra. Sumali na noon si Arisxandra sa BGT nung 2011, noong Britain's Got More Talent pa ito. Pero na-cut sa final 40 si Arisxandra. Ang mga boss ng show ang nagdesisyon na tanggalin siya at hindi na i-air ang audition video niya sa show. Sa isang interview sa host ng show noon na si Stephen Mulhern, inamin nitong nabigla rin siya sa desisyon ng bosses ng show, pero baka raw may iba pang plano para kay Arisxandra ang mga boss ng show. Ito na nga marahil--ang pagbabalik ni Arisxandra sa BGT ngayong 2013 at pagkapasok niya sa audition round--ang katuparan ng plano na iyon. video uploaded by Hussmis CO AGE-INAPPROPRIATE. Samantala, kahit na marami ang na-impress kay Arisxandra ay marami naman ang pumuna sa choice of song niya. Sa Twitter, may mga nag-comment na inapproriate para sa edad ni Arisxandra ang kinanta niya. Hindi raw tama na kinakanta ng isang 11-year-old ang isang awitin tungkol sa one-night stand. Komento nga ng isang fan ng show: “Am I alone feeling uncomfortable watching an 11 year old girl singing One Night Only? Sensational voice. Strange song choice. #BGT” Nakakuha rin ng kritisismo ang Britain's Got Talent mula sa British "pressure group" na Mediawatch UK. Sabi ng direktor nitong si Vivienne Pattison sa diyaryong The Daily Mail: “Having an 11-year-old girl sing an adult song like this is simply sexualising children. It’s incredibly damaging because this show is marketed at primary school children. “ITV appear to have completely ignored the Ofcom guidelines – I don’t even know why they put the guidelines out. This kind of thing is not what families want to see. “We are sleepwalking into a situation where pornography is the norm.”   BGT ANSWERS. Sumagot naman agad ang ITV, ang TV network na nagbo-broadcast ng Britain's Got Talent at dinipensahan ang content ng kanilang show. Sagot nila sa mga puna: "In its seventh series, Britain’s Got Talent celebrates variety and showcases a wide range of different acts. Mindful of our family audience, the performance was carefully edited to ensure it was suitably inexplicit.” Wala pang sagot naman ang pamilya ni Arisxandra tungkol sa mga pagpuna sa pinili niyang kanta. -- PEP.ph