ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Deklara ng anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco: 'I know my mum more than anyone.'


Kaugnay sa panibagong away ng magkakapatid na Claudine, Gretchen at Marjorie Barretto, nagbigay ng matipid na pahayag si Dominique Cojuangco, anak ng nina  Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco.   Sa kanyang Twitter account (@dbcojuangco) nitong Miyerkules, sinabi ng dalaga na higit kanino man, siya ang higit na nakakakilala sa kanyang ina.

  Sa gitna ng kontrobersiya, nananatili pa ring maganda ang relasyon ni Dominique sa kanyang mga pinsang sina Dani, Claudia, at Julia na nasa gitna rin ng intriga.   Sila ay mga anak ng aktres na si Marjorie Barretto, kapatid ni Gretchen at Claudine.   Noong Martes, iniulat ni Ricky Lo sa kanyang Funfare column sa The Philippine STAR may titulong, "Mom Inday to Gretchen: You are a liar," ipinagtanggol ni Gng. Inday Barretto ang anak na si Claudine at kinastigo naman si Gretchen. (Basahin: Claudine Barretto, nagpasalamat sa mga nagdarasal at nagmamahal sa kanya). -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News