ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Magpakailanman presents 'Nasayang na Jackpot: The Dionie Reyes Story'


Ano ang halaga ng tunay na pag-ibig? Masusukat ba ito sa antas ng pamumuhay? Sa dami ng pag-aari? Malalagyan mo ba ng presyo ang nararamdaman mo para sa isang tao? Ngayong Sabado sa Magpakailanman, alamin ang kuwento ni Dionie Reyes, isang lalaking naghangad ng magandang buhay para sa kaniyang pamilya. Pero nang manalo ng P14M jackpot sa lotto, naubos ang perang napanalunan sa loob ng tatlong buwan. Magsisimula ang kuwento ni Dionie sa kanyang panliligaw sa asawang si Minda, isang babae na 14 years ang tanda sa kanya. Hindi papansinin ni Dionie ang mga panlalait ng ibang tao, at ipaglalaban niya ang pagmamahal niya sa babae. Pero mag-iiba ang lahat nang manalo siya ng jackpot. Lahat kasi ng tao ay magbabago ang pakikitungo kay Dionie, maliban kay Minda. Mananatili itong voice of reason sa mundo ni Dionie na nadala ng mga pangako ng kayamanan. Dahil dito, magkakaroon ng lamat ang pagsasama nina Dionie at Minda. Unti-unti ay babaguhin ng kayamanan ang ugali ni Dionie, at lalayo siya sa babaeng pinangakuan niya ng habambuhay na pagmamahal. Malalapit si Dionie sa mga taong walang ibang nais sa kaniya kundi ang kanyang pera. Pero paano kung ang kayamanan na mabilis na nakamit, ay mabilis ding maglalaho? Kapag natuklasan na ni Dionie kung sino ang tunay niyang mga kaibigan, sino na lang ang malalapitan niya sa panahong siya na ang nangangailangan? Alamin ngayong Sabado sa Magpakailanman—pagkatapos ng "Vampire ang Daddy Ko." "Nasayang na Jackpot: The Dionie Reyes Story" features Luis Alandy and Ms. Jaclyn Jose, kasama rin sina Dexter Doria, Gerald Pizzara, at Karen delos Reyes; sa mahusay na direksyon ni Ricky Davao, at sa panulat ni Jason John Lim, mula sa research ni Karen Lustica. - GMANetwork.com