ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Hiling ni Zendee Rose: bumalik si Charice sa social media


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang taon na rin ang lumipas mula ng maging aktibo ang international singing sensation na si Charice sa social media. Kaya naman, bilang isang tunay na Chaster—ang tawag sa fans ni Charice—hiniling ng kapwa Youtube sensation nito na si Zendee Rose Tenerefe o mas kilala bilang Zendee na bumalik na ang idolo sa social media. “Nandito lang kami mga Chaster para sa iyo, sana bumalik ka na sa mga social media sites para makausap ka namin. Gusto namin malaman ang side mo. Suporta lang kami sa ‘yo. Mahal na mahal ka namin,” wika ni Zendee sa panayam ng StarTalk TX nitong Sabado. Kaugnay ito sa patuloy na pagbabatikos ng publiko sa pagbabagong-anyo ni Charice na nagdulot ng hindi pagsang-ayon ng kanyang lola na naninirahan sa Laguna. Gayunpaman, patuloy lamang ang pagsuport ni Zendee sa kanyang idolo at sinabing suportahan na lang ang bawat desisyon nito. Aniya, “Masaya po ako para sa kanya kasi nagagawa na niya ‘yung gusto niya and para bang may freedom na siya. Kung fan po talaga tayo, susuporahan po natin ang mga gusto niya kung saan siya masaya.” Samantala, inilunsad na rin ang debut album ni Zendee Rose kamakailan. — Mac Macapendeg/BM, GMA News