Palabas ng Chippendales tinaguriang 'Disneyland para sa kababaihan'
"This is really considered Disneyland for women."
Ito ang pagsasalarawan ni Kevin Cornell, isa sa mga lead stars at cast manager ng US all-male performing group na Chippendales, tungkol sa kanilang trabaho nang magdaos sila ng press conference ngayong araw ng Lunes.
Nasa bansa ngayon ang walong miyembro ng grupo – sina Mikey, Matt, Vanja, Kevin, Kris, Josh, Bryan, at Dylan – para sa kanilang "Ultimate Girls Night Out" World Tour.
Sila ay magtatanghal sa Cebu sa Hunyo 11, sa Manila sa Hunyo 13 at 14, at sa Pampanga sa Hunyo 15.
Ito ang pangalawang beses ng Chippendales na pumunta sa Pilipinas upang pasayahin ang mga kababaihan sa bansa. Una silang nagtanghal dito noong 2011.
Para kay Kevin, "We've talked about the girls being shy here, but usually the girls who come see our show and they understand it, the next time they're gonna have an even better time."
Kilala ang Chippendales sa mga seksing sayaw, kung saan pinapakita nang husto ang mga maskuladong katangian ng mga miyembro ng grupo.
Kung ang kanilang trabaho ay magsilbing "Disneyland for women," anong uri ng amusement ride kaya ang maiuugnay nila sa kanilang mga sarili, tanong ng GMA News Online sa ilang miyembro.
"I'll go with the Sling Shot. Just because, off-stage I'm just low but on-stage, boom, I'm flying up in the air," ang sagot ni Kevin.
"Teacups" naman daw si Mikey Cross, dahil mas "mellow" aniya ito kumpara sa iba niyang ka-grupo.
Isa sa mga aabangang dance routine ng Chippendales ay ang "Do It Anywhere." Ayon pa kay Kevin at Matt, ito ang kanilang paboritong dance number.
Ani Kevin, "It's a number that him and I both did. It's three guys and it's pretty much an all-white scene and it's very erotic and it's very sexy and that's my favorite number doing and I get the most compliments for it."
“Shy person”
Isa si Kevin sa pinakamatagal nang miyembro ng Chippendales, at pangalawang beses na niyang punta ito sa Pilipinas.
Ayon sa kanya, lingid sa kaalaman ng karamihan ay mahiyain siya. Ganunpaman, hindi ito nakikita sa kanyang pagtatanghal sa entablado.
"It's really funny because off-stage I'm a very shy person but when I'm on stage, I'm having a blast, I'm having a great time,” ayon kay Kevin.
“I'm an only child and I grew up by myself, so I'm very shy," dagdag niya. "I don't know if it's so much insecurities but I'm very shy around people and people don't really believe it because I love to be on stage and I'm having a great time but I'm completely different on and off stage."
Apat na taon sa Subic
Ang isang miyembro ng grupo, si Matt Marshall, ay dating nakatira sa Subic Bay kung saan apat na taong na-destino ang kanyang ama na nagta-trabaho sa US Navy.
Noong 1991, kasama ang pamilya nito sa mga nasalanta ng pagputok ng Mt. Pinatubo. Kwento ni Matt, apat na taong gulang pa lang siya noon at dahil sa murang edad, wala ito gaanong alaala sa kanyang pagtira sa bansa.
Ngunit giit ni Matt na nais niyang mapuntahan ang iba't ibang lugar sa Pilipinas.
"Before I left for this trip, my Dad told me a lot of things that I should expect and all were good things. Our house was here and it kinda seemed like a jungle was across from the street, I remember my Dad taking me there a lot. You guys have wildlife here, not like anything in America," wika nito.
"I'm very curious to see how much has changed. I watched a lot of videos when I was a kid," saad ni Matt.
Excited din daw si Kevin na pumunta sa beach at kung may pagkakataon ay gusto niyang bisitahin ang mga resort sa bansa. "I heard in Cebu I might have a chance to get to the beach. That's one of my favorite things - going to the beach," aniya. – YA, GMA News