Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ang kuwento ng 'Flowers of Hope for Jewelyn' sa Magpakailanman ngayong Sabado


  Ngayong Sabado, may espesyal na pagtatanghal ang Magpakailanman para sa Father's Day kung saan isasalaysay ang kuwento ng isang ama na ginawa ang lahat para sa kanyang anak na may cerebral palsy. Kumalat at nakilala sa internet ang pangalang Ronaldo Niangar, at ang "Flowers of Hope for Jewelyn." Si Ronaldo ang ama ng batang si Jewelyn na may cerebral palsy.   Para matustusan ang pangangailangan ng anak na may special needs, gumagawa sina Ronaldo at ang iba niyang mga anak ng flower pens na kanilang ibinibenta. Pero ano ba ang kuwento sa likod ng "Flowers of Hope?." Ano ang naging buhay nina Ronaldo at ng kaniyang mga anak bago bumalik ang pag-asa sa kanilang buhay? Nasaan ang asawa ni Ronaldo? Alamin ang kaniyang kuwento sa natatanging pagganap ni Ogie Alcasid, kasama sina Manilyn Reynes, Lexi Fernandez, Mona Louise Rey, Spanky Manikan, at Eva Darren. Mapapanood din sina Jeric Gonzales, Thea Tolentino, at Kaye Samson.   Ang "Flowers of Hope: the Ronaldo Niangar story" ay pinamahalaan ni Direk Dondon Santos, mula sa panulat ni Mary Rose Colindres, at sinaliksik naman ni Loi Argel Nova. Ang Magpakailanman, hosted by Mel Tiangco, ay napapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA-7. -- GMANetwork.com