ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Autograph signing ni Jennylyn Mercado para sa kayang FHM cover, dinagsa ng fans


Dinagsa ng mga tagahanga ang autograph singing ng Kapuso mom na si Jennylyn Mercado para sa muli nitong pagpose bilang cover girl ng men's magazine na For Him Magazine (FHM).

Ayon sa ulat ng Chika Minute ng 24 Oras noong Lunes, talagang pinilahan ng fans ang naturang event upang masilayan ang first female StarStruck winner.



Ito ang pangatlong pagkakataon na lumabas si Jennylyn bilang cover girl ng naturang men's magazine.

Gayundin, ayon sa ulat, lumabas umano ito muli sa magazine upang maging inspirasyon sa mga tulad nitong ina na gustong maging sexy tulad niya.

Bukod pa rito, proud naman ang nobyo nitong si Luis Manzano. Hindi kasi nito pinagbawalan si Jennylyn na magpakadaring para sa panibagong FHM cover.

Samantala, nananatili namang matatag ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Maliban dito, itinanggi rin ng aktres ang balitang sasabak si Luis sa pulitika sa susunod na eleksyon. — Mac Macapendeg/BM, GMA News