ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sheena Halili sa bagong Kapuso child star na si David Remo: 'Alam ko na may potential ang bata'


  Hindi maitago ng Kapuso actress na si Sheena Halili ang kanyang excitement sa kanyang bagong TV project, ang Binoy Henyo. In the upcoming series, she will play the role of Agnes, ang masipag na nanay ni Binoy na gagampanan ni David Remo.   In an interview with the press during the pocket press conference of Binoy Henyo recently, Sheena talked about how she bonds with David, at kung papaano niya napapanatili ang pagiging mother figure sa bata. "Inaaral ko kung papaano ko madisiplina si David sa totoong buhay. Hindi lang on-screen kasi magre-reflect 'yun sa screen kapag wala kaming relationship off-screen. So yun din ang binubuo ko. Inaalam ko kung ano 'yung ayaw niya, kung ano 'yung kinatatakutan niya, ano 'yung kiliti niya, kung ano 'yung nagpapangiti sa kanya, saan siya nahihiya, mga ganung bagay," Sheena said. Sinisiguro rin ni Sheena na hindi mawala ang pagiging Agnes niya kapag may taping. "Kapag nasa set ako, alam ko na nanay na ako. Kailangan makinig si David sa akin, mapapasunod ko siya, and makikipaglaro siya sa akin, hindi siya naiilang sa akin. 'Yon yung lagi kong ina-apply everyday kapag nasa taping ako." Paano naman niya nakukuha ang loob ni David kapag nagiging makulit na? "Minsan nakukuha ko siya. Apat na beses pa lang na nag-tape pero minsan nao-observe ko na kapag sinabi ko na 'David, magte-take na tayo.' Magbe-behave na siya. Kapag sinabi ko na 'David, ayoko na' nakikinig naman siya. Pero minsan talagang makulit pa rin talaga. Doon naman nata-try ang aking pasensiya. Niyayakap ko rin 'yun kasi ang pagiging nanay, kailangan talaga ng mahabang pasensiya. Kasi kapag ako nawala na sa mood, apektado na 'yung buong taping," kwento niya. Mas naiintindihan na rin daw niya ang mga child actor na nakakasama niya sa mga show. "Ngayon naiintindihan ko na, hindi katulad dati na parang 'Naku, nade-delay tayo kasi ang kulit ng bata.' Ngayon, 'Okay lang na ma-delay kasi bata 'yan eh.' Hind naman niya alam na nagtatrabaho siya. Naglalaro lang 'yan, gusto lang niyang mag-artista," pahayag ng aktres. Inamin din ni Sheena na nakikitaan niya si David ng potential of being a good actor someday.   "Sa audition kasi nandoon na ako, kasi tinitingnan na nila kung kanino ako may chemistry at kung kanino ako may puso. Kay David ko naramdaman 'yun, na parang yung iyak niya tumatama rin sa akin. Hindi talaga acting lang, may puso talaga. Maise-share niya sa mga viewers namin kaya alam ko na magiging maganda 'tong show na 'to. Alam ko na may potential ang bata, mamahalin siya ng maraming tao kasi kami sa set mahal na namin siya. Hindi namin kayang magalit sa kanya, sa totoo lang," pagtatapos ni Sheena. Abangan si Sheena Halili bilang Agnes sa Binoy Henyo, simula sa Monday, July 22, before "24 Oras." -- Michelle Caligan/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: binoyhenyo,