ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Batikang direktor at aktibistang si Behn Cervantes, pumanaw na


Pumanaw na nitong Huwebes ng umaga ang 74-anyos na batikang film at theater director na si Behn Cervantes dahil sa sakit na pneumonia. Inihayag ni German "Kuya Germs" Moreno sa kanyang programa sa dzBB radio ang pagpanaw ni Cervantes, na naging aktibista noong panahon ng administrasyong Marcos. Isa sa mga tumatak na obra ni Cervantes ay ang pelikulang "Sakada" noong 1981 na tumanggap ng Dekada Award for Best Film of the Decade. Sa isang panayam ng "News To Go" noong nakaraang taon, sinabi ni Cervantes na kung minsan ay nami-miss niya ang pinairal na batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil ito umano ang panahon na nagkaroon ng paninindigan ang mga Filipino. Ipagdiriwang sana ni Cervantes ang kanyang ika-75 kaarawan sa darating na Agosto 26. -- FRJimenez, GMA News

Tags: behncervantes,