ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sinong bet mo?: Kampihan ng magulang at anak sa 'Anak Ko Yan!', magsisimula na


May talent ba ang anak mo? Star quality? May kaya ba siyang gawin na espesyal na hindi kaya ng iba? Samahan ang 13 parent and child tandems na magtatagisan ng kanilang galing at susubukan ang kanilang katatagan sa bagong reality show ng GMA na Anak Ko Yan! 

Naomi and Jasmin Flores, Cebu ANG GWAPA AT ANG PROBINSYANA Si Naomi ay mas aggressive pa sa kanyang ina na si Jasmin na hindi nakapagtapos sa eskwela. Subaybayan kung paano sila makikipagsabayan sa kanilang mga kakompitensya.
Johnny and Janet Regaña, CDO ROCKSTAR KIDDIE & MOMMY SWEETIE Rakenrol mga taga-CDO! Suportahan ang pretty boy na rakista at ang charming niyang mommy na sila Johnny and Janet Regana. Masabayan kaya ni mommy ng diskarte ang pagka rakenrol ng gwapo niyang anak?
Jen-Jen and Allan Chubbs, Negros Oriental LITTLE MORENA & BOSS TISOY Real-life Cinderella story ang peg nila Jen-Jen at Allan Chubbs. Inampon ng istriktong British si Jen-Jen at ito ang nakapag palambot ng puso niya. Maging happily ever after kaya ang kwento nila?
Sean and Flor Pajutining, Iloilo SI TABA AT SI MOMMY PANGGA Madaming tawa ang dala nila Taba at Mommy Pangga ng Iloilo City. Game na game si mommy sa sobrang kakulitan ng kanyang anak. Nasa kanila kaya ang huling halakhak.
Danicia and Liana Diaz, Pangasinan THE BEAUTY & THE STAGE-MOMMY Meet Senora and Senyorita ng Pangasinan na sila Danicia at Liana Diaz. Prisensang-prinsesa si Liana dahil sa kanyang kasweetan ngunit dahil dito ay lagi siyang binu-bully sa school niya. Lagi naman there to save the day si mommy. We’ll she save her again at the end of this talent showdown?
Anikka and Jinky Camaya, Mandaluyong MS. SOSSY & MOMMY SEXY Hot and sexy ang mga taga Mandaluyong na sila Anikka at Jinky Camaya. Sa unang tingin ay mapagkakamalan silang magkapatid. Uubra kaya ang kaseksihan nila at ang pagiging pranka ni Mommy Jinky?
 
Dranrie and Rochi Mansueto, Bulacan GIRL NEXT DOOR & MOMMY TERROR Si Dranrie at Mommy Rochie ang mga cuties ng Bulacan. Medyo shy type si Dranrie kahit madaming nagkakagusto sakanya, si Mommy naman ay kwelang kwela ngunit isang critic at may pagka overprotective. Magandang kombinasyon kaya ito at healthy relationship ba? Abangan!
Monica and Fatima Aguilar, Las Pinas Hataw Princess and Kembot Queen Si Monica at Mommy Fatima ang dancing queens ng Las Pinas. Bubbly and full of energy si Monica na kung minsan ay mas bongga pa sa kanyang mommy! Hindi issue para sa mag-ina ang pinanggagalingan nilang mahirap na pamilya, basta may musika ay siguradong hahataw sila! Hahataw din kaya sila kapag nasa entablado na?
AJ and Ariadni Urquia, Laguna Wonder Boy and Super Mom Tubong Laguna ang mother and son tandem na si AJ and Mommy Ariadni. Ang bibo kid ay dance genius na nakakabuo ng sariling choreography kahit 8 years old pa lang. Cool na cool naman si mommy at kayang makipagsabayan sa boy wonder. Sila kaya ang magpapataob sa kompitensiya?
Edrick and Edith Margallo, Navotas Little Sireyna and Proud Mama Talented at real achiever ang gay pride from Navotas kaya naman ay mahal na mahal siya ng mga kamag-anak pati na rin ng kapitbahay nila. Sa tuwing nagpapakitang gilas si Edrick ay buong pagmamalaki naman na sinasabi ni Mommy Edith na “Anak Ko Yan!”
Josh and Sandra Joffe Ang Rebelde at ang Dominante Stage mom to the highest level si Mommy Sandra at mukhang medyo nahihiya na ang kanyang gwapitong Fil-am na anank. Nabu-bully sa school at may pagkamahiyain si Josh lalo na pag napapagalitan ng kanyang ina, makuha kaya nilang magtulungan para magtagumpay sa programa?
Tricia and Jensen Cabais K-Pop Cutie and Mrs. Trendy Multi-talented at consistent honor student si Tricia at very competitive naman si Mommy Jensen. Perfect match ang mag-ina pag dating sa kakikayan, pero dahil sa taray ni Mommy, may makabangga kaya sila?
James and Gina Wright The Heartthrob and the Survivor Isang tingin pa lang at masasabi nang pang matinee idol ang Fil-Australian na si James at todo suporta naman sa kanya si Mommy Gina. Hong Kong based ang dalawa pero dahil sa pagpush ni Mommy ay napilit niyang tumira ulit sa Pilipinas ang teenage hottie. Worth it kaya ang paglipad nila sa bansa? Sino kaya sa kanila ang matitira sa kompetisyon at sino ang susuko? Panoorin ang Anak ko Yan! simula sa August 26 sa GMA-7 bago ang The Ryzza Mae Show.  I-like ang fan page ng programa (https://www.facebook.com/AnakKoYanGMA) at i-follow sa Twitter (https://twitter.com/GMAAnakKoYan) para sa mas maraming updates. - Michael Leachon/Christine Cariaga, GMA Social Media Specialists
Tags: anakkoyan