ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ryzza Mae Dizon, pinakain ng maselang bahagi ng baboy nung bata pa kaya naging madaldal?
Mas lalo pang makikilala ang Kapuso child wonder at bulilit dabarkads ng Eat Bulaga! at host ng The Ryzza Mae Show na si Ryzza Mae Dizon sa September issue ng YES! Magazine. Si Ryzza ang cover ng nasabing babasahin at dito ikinuwento ni Mommy Rizza Dizon ang ilang detalye tungkol sa kakaibang katangian ng child star. “Pag nagsalita siya, diretso,” ayon kay Mommy Rizza. “'Pag kinausap mo siya kahit na sandali, nakakasagot siya kaagad. Alam niya kaagad kung ano’ng isasagot sa’yo. Alam niya kung ano’ng sasabihin.” Ikinuwento rin ni Mommy Rizza ang posibleng sikreto ng pagiging biba at madaldal ng anak -- ang pagpapakain dito ng ari ng baboy. Ang lola raw ni Ryzza ang nakaisip na pakainin ng maselang bahagi ng baboy ang child star. Kuwento ni Mommy Rizza, gumawa ng lugaw ang kanyang ina para kay Rizza na hinaluan ng inihaw na maselang bahagi ng katawan ng nabanggit na hayop. “Sabi niya, 'gagawa ako ng lugaw, tapos ipakain mo sa anak mo ’to," saad ni Mommy Rizza sa utos ng ina. "Ihahalo ko ’tong ari ng baboy. Inihaw niya po ’yon, tapos hiniwa po nang maliliit.” Binalikan din ni Mommy Rizza ang panahon na gipit pa sila sa buhay at ang pagsisikap ni Ryzza na makatulong sa kanila sa pamamagitan ng pagsali sa mga kontes gaya ng Little Miss Philippines sa Eat Bulaga! kung saan siya nadiskubre. Labis daw ang pag-iyak ni Ryzza nang una itong matalo sa elimination round ng 2012 Little Miss Philippines, at nakabalik lamang sa kompetisyon bilang wildcard bet. At matapos manalo, the rest is history ika nga. “Parang tinitingnan lang namin kung ano ba’ng meron ang batang ito. Pinatabi lang kay Bossing [Vic Sotto], nagpupulot lang ng bola, nagsasalita. Nakakapagsalita, ’tapos ang bilis kumuha ng instructions,” ayon kay Jenny Ferre ng TAPE, Inc., na naging mentor ni Ryzza. Bukod sa Eat Bulaga! at The Ryzza Mae Show, mapapanood din si Ryzza sa sitcom na Vampire And Daddy Ko sa GMA-7. -- FRJimenez, GMA News More Videos
Most Popular