ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Young actress na si Teri Malvar, 'di makapaniwalang tinalo niya si Nora Aunor sa Best Actress award
Unang sabak pa lang sa pag-arte ng 13-year-old na si Teri Malvar ang pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita, ang ka-tie ng Ang Kwento ni Mabuti para sa Best Picture sa nakaraang 1st CineFilipino Film Festival Awards Night, na ginanap noong Setyembre 22 sa Genting Club, Resorts World Manila. Pero gumawa agad ng ingay ang baguhang si Teri matapos tanghaling Best Actress ng film festival, at talunin si Nora Aunor para sa naturang award. Gumanap si Teri bilang batang lesbian sa pelikulang idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teri pagkatapos ng awards night. Hindi raw niya inaasahang mananalo siya dahil marami siyang naririnig na nagsasabing baka si Nora ang manalo. Sabi ni Teri, “I feel surprised, kasi I didn’t know that I would beat Nora Aunor… the Nora Aunor, who has been winning awards. "But I’ve been praying to God every night that sana I would get the Best Actress award. It’s an answered prayer.” Pero ayaw naman daw ipagmayabang ni Teri na tinalo niya ang Superstar. “I don’t want to brag about it. I’m just happy to be the Best Actress.” GETTING TO KNOW TERI. Marami tuloy ang na-curious sa katauhan ng baguhang young actress na tumalo sa Superstar, na bida naman ng Ang Kwento ni Mabuti ni Mes De Guzman. Si Teri ay Grade 7 ngayon sa Immaculate Heart of Mary College sa Parañaque. Pag-amin niya, hindi siya kundi ang mommy niya lang dapat ang mag-o-audition para sa isang role sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita. “Actually, I’m not really supposed to audition here. My mother was supposed to audition and then I just wanted to come. "My mother always auditions for movies.” Ang mommy ni Teri ay ang character actress na si Cherry Malvar, na napasama sa support cast ng dalawang pelikula—ang award-winning 2009 Cinemalaya entry na Bakal Boys ni Ralston Jover at ang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila ni Chris Martinez. Ang mommy ba niya ang nagtulak sa kanya para mag-audition? “No, I just wanted to,” sagot ni Teri. So, pangarap niyang maging artista talaga? “Yes.” ON PLAYING A YOUNG LESBIAN. Ginagampanan ni Teri sa Ang Huling Cha-Cha Ni Anita ang role ni Anita, isang 12-anyos na batang magkakagusto sa isang bagong saltang babae sa kanilang lugar, na ginagampanan naman ni Angel Aquino. Hindi ba nagdalawang-isip si Teri na tanggapin ang role ng isang batang lesbian? Tugon niya, “There’s nothing wrong in being a lesbian. And I only have one life to play something I’m not.” Hindi ba siya nag-alala o natakot na baka tuksuhin siya ng ibang bata na tomboy? “I don’t really care about what other people will say. I just want to play the role and give my best,” sagot ni Teri. At saka alam naman daw niyang acting lamang ito kaya hindi siya dapat magpaapekto. Paano niya nagampanan nang maayos ang role niya? “Because of my director, Direk Sig, she workshopped me while we were not starting shooting yet. "So, while we’re doing the shooting, I blossomed into Anita. I learned to be Anita and I became Anita.” WORKING WITH ANGEL AQUINO. Kung si Teri ang naging Best Actress, ang co-star naman niya sa pelikula na si Angel Aquino ang nanalong Best Supporting Actress. Bilang kilalang magaling na artista si Angel, paano nito natulungan si Teri? Sabi ng newbie actress, “She helped me when I was supposed to kiss her [in a scene] because I’m very, very nervous.” Kumusta katrabaho si Angel? “She’s very kind and she’s like a mother to me, she acts like a mother. "And about the kiss, she always says that there’s nothing wrong with what happened. She motivates me.” Masaya rin daw si Teri na hindi lang sila ni Angel ang nanalo ng acting awards, dahil ang buong cast ng Ang Huling Cha-Cha ni Anita ay pinarangalan din ng Best Ensemble Acting. Kabilang din sa cast sina Marcus Madrigal, Lui Manansala, Jay Bordon, Star Orjaliza, Gigi Columna, Sarah Pagcaliwanagan, Lenlen Frial, at Solomon de Guzman. Kasama rin ang mommy ni Teri, na may maliit na role sa pelikula. -- Glen P. Sibonga, PEP More Videos
Most Popular