ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Aljur Abrenica, pangarap na makatrabaho ang girlfriend na si Kylie Padilla

Noong nakaraang linggo lang nang mag-umpisang lumipad ang Adarna sa GMA Telebabad. Ang bida sa latest fantaserye ng GMA ay ang Kapuso actress na si Kylie Padilla, ang real life girlfriend ng GMA’s Prince of Drama na si Aljur Abrenica.
Ito ang unang lead role ni Kylie sa primetime. Ano naman kaya ang masasabi dito ng kaniyang boyfriend na matagal nang bumibida sa mga primetime soap?
“I'm very happy, I'm happy for her,” sagot ni Aljur.
Dagdag pa ng aktor, matagal na raw pinapangarap ni Kylie ang magkaroon ng lead role sa primetime. At ngayong nabigyan na raw ito ng chance sa Adarna, sobrang masaya raw ang kaniyang girlfriend dahil itinuturing nitong dream come true ang naturang proyekto.
Ayon pa kay Aljur, hindi raw basta-bastang project ang ibinigay ng GMA kay Kylie dahil napakaganda ng istorya ng Adarna. Challenging din umano ang role ni Kylie kung saan ginagampanan ng aktres ang role bilang si Ada, isang taong ibon na kakailanganing lumipad.
Sa katunayan, malaking paghahanda umano ang ginawa ni Kylie at dumaan pa talaga ito sa mga harness workshop para sa mga scene na kailangan niyang lumipad.
Paano nga ba sinabi ni Kylie kay Aljur ang magandang balita tungkol sa Adarna?
“Simple lang eh. Sinabi niya sa 'kin na magkaka-primetime na siya so nag-celebrate kami,” he shared.
Pero bukod sa dream project ni Kylie, isa rin daw na pinapangarap ni Aljur ang makatambal niya ang girlfriend sa mga future project niya kung mabibigyan ng pagkakataon.
Pagdating naman sa tatlong leading men ni Kylie na sina Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves, natutuwa raw si Aljur dahil malapit sa kaniya ang mga ito.
“I’m happy sa makakatrabaho niya. Kasi yung mga makakatrabaho niya (ay) magagaling na artista (at) mga kaibigan ko rin,” saad niya.
Ano ba ang ine-expect ni Aljur sa paglipad ni Kylie? “
Nakikita ko na mas marami siyang matutunan sa Adarna,” ani Aljur.
Patuloy na subaybayan ang character ni Aljur bilang Nick sa Prinsesa ng Buhay Ko at si Kylie Padilla naman bilang Ada sa Adarna, both in GMA Telebabad.
For the latest updates on Aljur Abrtenica, Kylie Padilla, and your favorite Kapuso stars and shows, keep visiting www.gmanetwork.com. - Al Kendrick Noguera, Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: adarna, kyliepadilla
More Videos
Most Popular