ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Life story nina Andres Bonifacio, Francisco Dagohoy, gustong isapelikula ni Cesar Montano

“Maraming magagandang kuwento dito sa Pilipinas na dapat magawa na hindi ginagawa. I'm curious about that kaya sa tingin ko, sabi ko nga sa sarili ko, I'll die doing Filipino films. Kasi maraming pelikula na dapat ikuwento sa ibang lahi, na napakaganda, na kuwento ng mga Pilipino,” pahayag ni Cesar.
Ibinahagi ni Cesar ang dalawang pelikulang pangarap niyang ma-produce. Isa ang istorya ni Francisco Dagohoy at pangalawa naman ang life story ni Andres Bonifacio.
Nagkuwento si Cesar ng highlight ng life story ni Francisco Dagohoy, na sinasabing pinakamatagal nakipaglaban sa mga mananakop na Kastila.
“Almost 500 years ang Kastila rito at hindi nila masakop-sakop yung interior Bohol because of Francisco Dagohoy, the longest revolt. Ang ganda ng istorya nun,” aniya.
Isa pang dream project ng Kapuso actor ay ang makagawa ng pelikula tungkol kay Andres Bonifacio. Naipakita na raw kasi sa pelikula ang buhay ni Emilio Aguinaldo kaya gusto naman niya na makagawa ng version kung saan si Bonifacio naman ang bida.
Bukod pa sa paggawa ng pelikula, nagkuwento rin si Cesar ng kaniyang hilig sa pagpipinta. Pero hindi kung ano-anong subjects lang ang ipinipinta niya dahil ipinapakita pa rin niya rito ang pagmamahal niya sa bansa.
“Actually nakapinta na ‘ko ng kamatayan ni Andres Bonifacio. Mayroon ding inang bayan, may drawing din akong ganoon. Mayroon akong mga drawing na kalabaw, very pinoy,” saad ni Cesar.
Sa exclusive interview namin kay Cesar, kapansin-pansing lagi nitong ipinapamalas ang interest sa pagpapahalaga sa ating nasyonalismo. Lagi niyang ipinapaalala na mahalin natin kung ano ang mayroon sa ating bansa.
Paalala pa niya, “as Filipinos, we have to use our talent and share what beautiful things that we have in this country. So hangga’t ngayong may hininga pa, dapat gamitin natin ‘yong pagkakataon na ito para ibahagi kung ano’ng kabutihan at kagalingan ang mayroon ang mga Pilipino.”
Subaybayan ang character ni Cesar Montano bilang Atty. Conrad sa Akin Pa Rin Ang Bukas, weeknights after Genesis sa GMA Telebabad. -- Al Kendrick Noguera/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: cesarmontano, andresbonifacio
More Videos
Most Popular