Vic Sotto fulfills promise, stops smoking
Tinupad ni Vic Sotto ang Valentine wish ng girlfriend niyang si Pia Guanio na mag-quit na sa paninigarilyo. Ipinahayag ni Pia ang wish niyang ito kay Vic sa S-Files nang magbakasyon ang dalawa sa States noong Valentine week. Kung dati-rati ay kasama ng mga co-hosts niya sa Eat Bulaga! si Vic na naninigarilyo sa loob ng Artists Room ng Broadway Centru, ngayon ay kailangan na nilang lumabas para manigarilyo. Ito ang patunay na ayaw na talagang manigarilyo ni Vic, bilang pagbibigay na rin sa kahilinagn sa kanya ni Pia. Yun nga lang, halatang tumaba nang konti ang comedian dahil sa pagtigil niya sa kanyang bisyo. Marami ang naniniwala na si Pia na talaga ang huling babae sa buhay ni Vic dahil sa malaking pagbabago sa Box Office King. Kung dati ay very private sa kanyang lovelife si Vic pagkatapos makipaghiwalay sa asawa niya noong si Dina Bonnevie, naging very open siya sa kanilang relasyon ni Pia pati na sa pagpapahayag ng kanyang nararamdaman. Marami na rin ang nag-aabang sa kasal ng dalawa dahil pati ang mga anak ni Vic na sina Danica at Oyo ay boto kay Pia upang mapangasawa ng kanilang ama. - Philippine Entertainment Portal