ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ryan Agoncillo’s parenting tip: 'Your kids will follow what you do more than what you say'



 
Dalawa ang anak nina Kapuso star Ryan Agoncillo at ng kanyang asawang si Judy Ann Santos. Ang panganay niya ay si Yohan na ngayo’y nine years old na at three years old naman ang sumunod na si Lucio.

“Enjoy naman! Ako nag-e-enjoy,” sagot ni Ryan nang kumustahin ng GMANetwork.com ang kaniyang pagiging ama.

Sabi ni Ryan, kailangang i-set ang priorities ng isang ama para sa kaniyang pamilya, “yung sapat na kailangan ng pamilya. Hindi naman kailangang labis eh.”

Importante rin daw ang magandang relasyon sa pamilya, imbes na puro trabaho lang at mag-concentrate sa pagiging provider.

“Determine also that you're raising a family, you're not just there to provide monetary needs or financial needs and physical needs. You also have to be there emotionally for your kids,” saad niya.

At ang best tip ni Ryan para sa mga magulang: “Make sure you remember that your kids will follow what you do more than what you say. So kung may gusto kang ipagawa sa kanila, make sure ikaw kaya mong gawin.”

Siya raw ang naghahatid sa mga bata tuwing papasok sa schoo, pero kapag hindi niya raw naihatid ang mga ito ay sisiguraduhin niyang siya ang maaabutan nila pag-uwi sa bahay.

“In one of these days like this, when I’m not around, at least the whole weekend I was with them (kids). It's all about determining your priorities and finding out which is important for you and which is important for your family,” dagdag niya.

Ano ba ang plano ng pamilya ni Ryan ngayong Pasko?

“We’ll just stay home because all year is so busy. What we'll do between Christmas and New Year is stay at home, run errands together. You know it's the time when you bring the dog to the vet or you just enjoy sleeping late kasi wala kang schedule na kailangang puntahan. Ganoon lang ka-simple, ine-enjoy lang namin 'yung feeling at home,” aniya.

Abangan si Ryan Agoncillo tuwing Sabado ng gabi sa pinakabagong game show na Picture! Picture!, pagkatapos ng 24 Oras. Al Kendrick Noguera/Bochic Estrada, GMANetwork.com