ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rico Blanco, makiki-#riconnect sa mga biktima ng Bagyong Yolanda


(Updated 9:43 a.m., Dec. 31) Sasamahan ng singer-songwriter na si Rico Blanco ang mga taga-Tacloban ngayong Bagong Taon kasama ng isang non-government organization, bilang pagtulong na rin sa kanyang mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Yolanda.

Rico Blanco sings "Bangon" for Yolanda survivors at #riconnect first stop at Nula Tula in Brgy 74, Tacloban City, Leyte on New Year's Eve on Dec. 31, 2013. Oxfam
Magkakaroon ng pocket concerts si Rico sa:
  • Dec. 31, 2013: Tacloban City, Palo at Tanauan
  • Jan. 1, 2014: Brgy. Cogon, Palo, Leyte and other sites
  • Jan. 2, 2014: Brgy. Kabakungan, Dulag, Leyte

Inulat ng Oxfam, isang NGO galing Britain, na sinamahan sila ni Rico upang kantahan ang kanyang mga kababayan. Isinalin rin ni Rico sa Waray ang jingle ng organisasyon tungkol sa pananatiling malinis at paggamit ng tubig.

Bilang pakikiisa sa kanila, ginamit ng singer ang katagang #riconnect para sa pagbabalik-bayan niya sa Tacloban.

Tubong Tacloban si Rico, at ayon sa panayam sa kanya ng Oxfam, dito raw siya nagpapalipas ng bakasyon kasama ang kanyang mga kapamilya.

Sinalanta ng Bagyong Yolanda ang kalakhan ng Visayas at Timog Luzon nitong Nob. 8.

Namigay sa mahigit 30,000 na tao sa Leyte ng ilang hygiene kits ang Oxfam, kasama ang iba pang charities at NGOs. — Rie Takumi/DVM/KG, GMA News