ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Osang changes her mind, allows Jolo to see son


Matigas ang naging pahayag ni Rosanna Roces noong Linggo, March 11, sa The Buzz na ayaw nitong ipahiram ang kanyang apo na si Budoy (Gabriel Revilla) sa ama nitong si Jolo Revilla para makasama sa pagdiriwang ng young actor ng kaniyang kaarawan ngayong araw, March 15. Isang matinding "Hinde! Wala namang nakikipag-usap," ang naging sagot ni Osang sa pamamagitan ng text message kung ipapahiram nito ang kanyang apo kay Jolo. Diretsong "Ayoko!" naman ang naging tugon nito sa tanong kung bakit ayaw nitong ipahiram si Budoy, anak ni Jolo sa panganay na anak ni Osang na si Grace Adriano. Ayon kay Jolo, tatlong buwan na raw niyang hindi nakikita ang kanyang anak. Pero, sabi nga, miracle is happening every second. At minsan na namang napatunayan ang kasabihang ito dahil sa panayam ni Osang kahapon, March 14, sa radio program nina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito—na parehong kilalang malapit sa aktres—ay pumayag na itong ipahiram ang apo kay Jolo sa kanyang kaarawan. "Tinext ako ni Jolo, ‘Puwede ko po bang hiramin si Budoy?'" kuwento ni Osang. "Si Grace daw kasi nagpapaalam sa akin, hindi daw siya pinagbibigyan. Kasi bago 'yong mga yaya, baka manibago o ano. "Ayaw ko kasi 'yong paalam nila—sa TV ko naririnig. Ang dali-dali ko namang kausap, e," sabi pa ni Osang, na ang tinutukoy ay ang pamilya ni Jolo. Idinipensa naman nina Cristy at Jobert ang mga magulang ni Jolo na sina Senator Bong Revilla at Lani Mercado na baka kaya hindi nila kinakausap si Osang ay dahil sa pag-aakalang mainit pa ang ulo ng aktres sa kanila. "Hindi na nga ako nagagalit. Bawal ang magalit," sagot naman ni Osang. Kuwento pa ni Osang, ipinatawag daw niya si Jolo sa bahay nila habang katabi niya si Budoy. Nang marinig daw ng bata ang boses ng ama ay agad itong nagsabi ng "Dada." "Naawa naman ako bigla sa nakita ko," sabi pa ni Osang. Idinagdag din ni Osang na inimbitahan siya ni Jolo sa kanyang birthday party mamayang gabi sa Embassy. Hiniling din ni Jolo na isama ni Osang si Grace at ang kanilang anak. - Philippine Entertainment Portal