ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jake Vargas, umaasang titibay ang relasyon nila ni Bea Binene matapos magkabalikan



One year and five months na ang relasyon ng Kapuso teen stars na sina Jake Vargas at Bea Binene nang magdesisyon silang maghiwalay noong July.

Selos at hindi pagkakaintindihan diumano ang mga dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway, hanggang sa tuluyang mauwi sa hiwalayan.

Ngunit nitong November lamang ay inamin ng dalawa na nagkabalikan na sila, just in time for Bea's 16th birthday. In fact, sinurpresa ni Jake ang ka-love team sa taping nito for Vampire Ang Daddy Ko, at nagkaroon na rin sila ng chance na mag-usap nang maayos.

Ano kaya ang wish niya para sa kanilang dalawa ngayong nagkabalikan sila?

"Siguro to stay strong. Sana maging matibay kami sa lahat ng bagay kahit may dumating na mga pangit na issue," saad ni Jake nang makausap sa set ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento kamakailan.

Kinumusta rin namin ang Pasko at Bagong Taon ni Jake. Ayon sa kanya, ipinagdiwang niya ang Pasko sa bahay kasama ang kanyang pamilya habang nakibahagi naman siya sa GMA Countdown noong Bagong Taon.

Napag-usapan na rin lang ang Pasko, inalam na sa aktor kung ano ang iniregalo niya kay Bea.

Ayon kay Jake, isang baby shih tzu ang ibinigay niya sa girlfriend.

"Siya si York, lalaki. Wala na kasi akong maisip na ibibigay sa kanya. Mas maganda na yung ganun kaysa damit o gamit, naaalagaan niya," kwento niya.

Ano naman ang Christmas gift sa kanya ni Bea?

"Marami na siyang naibigay sa akin pero nitong Christmas wala pa," natatawa niyang sagot.

Panoorin si Jake Vargas every Sunday sa Sunday All Stars, pagkatapos ng Kapuso Movie Festival, at sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng Kap's Amazing Stories. -- Michelle Caligan/Bochic Estrada, GMANetwork.com