ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

DJ Kat Alano clarifies posts about rape issue


Nagbigay ng paglilinaw ang radio disc jockey na si Kat Alano kaugnay sa mga post niya tungkol sa usapin ng rape na nataon na mainit na pinag-uusapan ngayon ang nangyaring insidente kina Deniece Cornejo at komedyanteng si Vhong Navarro.

Ilang araw matapos ang sunod-sunod na post ni Kat sa kaniyang mga social media account tulad ng Twitter, may mga komentong natanggap ang radio DJ na nag-aakalang si Vhong ang kaniyang pinapatamaan.

Basahin: DJ Kat Alano's Facebook and Twitter posts about rape create buzz

Basahin: Vina Morales posts intriguing quotations on Instagram

Basahin: Reklamong rape vs Vhong, isinampa ni Deniece

May mga komento rin na nag-akalang kaibigan ni Kat sina Deniece at Cedric Lee, na inaakusahang namuno sa pambubogbog kay Vhong.

Kaagad namang nilinaw ni Kat na hindi niya kilala ang dalawa.

@qqrla @katalano Obviously she's a friend of either Cedric or Deniece. :)
@beanne_samarita @qqrla I don't know either of them. Be careful what you say 'obviously' about.

Nitong Huwebes, may panibagong mensahe si Kat na inilagay sa Twiter at muling nagbigay ng paglilinaw na huwag mag-speculate sa mga nabanggit niya tungkol sa isyu ng rape.

@katalano:
"To set the record straight, my comments on rape are my personal opinion,please do not speculate or take my tweets out of context. Thank you."

May mga sumuporta at pumuna pa rin naman sa mga post ni Kat.

                                                                                                           -- FRJ, GMA News