ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jackie Rice on her co-stars in 'Innamorata': 'Magaan ang loob ko sa kanila'

Mapapanood sa isa na namang inaabangan na teleserye sa GMA Afternoon Prime ang Starstruck Batch 3 Ultimate Female Winner na si Jackie Rice.
Pagkatapos ng kanyang show sa GMA na Bukod Kang Pinagpala, mapapanood naman si Jackie sa Innamorata (My Love) kung saan bibigyang-buhay niya ang katauhan ni Gina, ang magpapahirap sa buhay ng bidang si Esperanza, na gagampanan naman ni Max Collins.
Kasama nila Innamorata sina Luis Alandy at Dion Ignacio, pati na rin ang kanyang Bubble Gang sister na si Gwen Zamora.
“Masaya. Nakikita ko naman na positive lang. Tawa lang kami ng tawa. Magaan ang loob ko sa kanila. Sana pagdating nang take hindi na kami tawa ng tawa. Kailangan ko maging serious, kasi kailangan ko maging mataray,” pagbahagi ni Jackie.
First time makakaeksena ng sexy actress ang leading man na si Luis. Si Luis ang gaganap na Edwin Manansala na magkakagusto kay Esperanza. Magkakagusto rin kay Luis ang karakter ni Jackie na si Gina.
Samantala, sina Gwen at Max ay first time naman niyang makakatrabaho sa isang drama.
Sabi pa ni Jackie tungkol kay Max, “Napanood ko si Max sa Pahiram Ng Sandali. Ang galing galing niya!”
“Lagot siya sa akin! Magdadala ako ng ipis para matakot sa akin si Max, " natatawang biro ng aktres.
Buo ang tiwala ni Jackie sa kanyang mga makakasama sa Innamorata kaya naman hindi siya nag-aalala na magagampanan niya rin nang tama ang kanyang role.
“Hindi ako nahihirapan, kasi alam kong may tiwala ako sa co-stars ko, sa mga staff. Alam kong magagampanan ko nang tama kasi nandiyan sila. Kampante ako roon. Ang gagawin ko lang, gagawin ko ang best ko. Sila na ang bahala sa rest,” sabi niya.
Abangan si Jackie Rice bilang Gina this February sa Innamorata.
Para sa updates tungkol kay Jackie at sa iba pang cast ng Innamorata, huwag kalimutang mag-log on sa www.gmanetwork.com. -- Eunicia Mediodia/Bochic Estrada, GMANetwork.com
Tags: jackierice, innamorata
More Videos
Most Popular